Social Icons

 

Pages

Featured Posts

Sunday, June 24, 2012

Funny Joke Story 17


Si Dan Balikbayan
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong nang kanyang kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
 Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," Sabi ni kumpareng itinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse, at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa mall, lumabas ka naman ng bahay nang malibang ka naman. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono sa opisina, papasok na ako."
 Eto na po, dahil na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos ang kolokoy, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si tarantado (Dan) sa pamamasyal sa mall. Nakapili ng damit na gusto niya, pero pagdating sa cashier, biglang tanong sa kanya Sir! Visa or MasterCard?
 Biglang nataranta at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng takbo palabas si Dan, dahil sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik at hinahanap ang visa ko!" sabi ni Dan, "Baka nabisto na ako!, Shet!" Sakay kaagad siya nang kotse ni kumpare, haruruot!.
 Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay siya nang gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir! pay first please!". "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"
 Nagtatakbo si Dan sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay phone.(hingal)Kailangang...(hingal) ... matawagan ko .... (hingal) si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para masundo niya ako rito ... (hingal).
 Pagtaas niya ng telepono, narinig niya, "AT&T, how may I help you?" ... ..... "Aba, Anak ng putakteh!, alam na TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may amerikanong nakatayo sa likod niya, ang tanong ba naman.....
 "Are you done?". Napahandusay si Dan sa phone booth. Biglang bulalas, "Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng amerikano ..... "Hey! be cool, man!", "Hinakupo," sabi ni Dan, "Alam pa kung taga-saan ako!". Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang siya.
 Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan siyang si "Dan Balikbayan".

Funny Joke Story 16


Ututin na boyfriend
Binibisita ng boyfriend ang kanyang girlfriend.
Kumain sila at umupo sa salas.
Marami ang nakain ng bf at kailangan niyang maglabas ng masamang hangin.
Ngunit nahihiya siya sa gf niya. Pinigil ng bf ang pag-utot, pero hindi niya na ito nakaya.
PPOOOOOTTTTT!!!!!
Huminto ang bf sa paggalaw. Hiyang-hiya siya at pulang pula ang mukha. Tiningnan niya ang gf niya.
Walang siya ang gf, pero biglang tinawag ang aso na nasa ilalim ng upuan ng bf.
"Rex, umalis ka nga dyan!"
Pero walang kilos ang aso. Nakahinga ng maluwag ang bf at inisip - "Hay salamat, akala niya yung aso ang umutot!"
Nag-chat sila, ngunit nakaraan ang ilang sandali ay napapa-utot muli ang bf dahil talagang ang dami niyang kinain. Hindi niya ulit ito napigilan.
PPPOOOOOOTTTTT!!!!
Kinabahan ulit ang bf at namula. Muling sinabi ng gf, "Rex, ano ka ba? Umalis ka dyan sabi eh!"
Wala paring kibo ang aso. "Hay salamat sa aso," isip ng bf, "Akala niya ulit yung aso ang umutot."
Nag-chat ulit sila, pero napapa-utot ulit ang bf at hindi niya ito napigilan.
PPPPOOOOOOOOTTTTTTTT!!!!!!
Tumayo ang gf "Rex! Umalis ka dyan baka mataihan ka!!!!"


Ututin na boyfriend (Part 2)
May bagong sports motorcycle si bf. Mabilis niya itong pinapatakbo habang nakayakap sa kanya ang kanyang gf sa likod.
Ngunit eto nga namang si bf, talagang napaka-ututin. Naghanap siya ng mga bato at ipinadaan ang motorsiklo dito, habang siya ay umu-utot.
BUMP! POOT! BUMP! POOTT!!! BUMP!!!!
Walang sinabi ang gf so nakahinga ng maluwag si bf.
Pero nauutot nanaman siya. Naghanap siya ng lubak at ipinadaan ang motorsiklo dito habang umuutot.
SPLASH! POOTT!!! SPLASH!!! POOTT!!!SPLASH!!!
Walang sinabi si gf. Natuwa si bf dahil nakatakas nanaman siya sa matinding hiya.
Pero nauutot nanaman siya. May nakita siyang humps pero malayo pa. Binilisan niya ang takbo ng motorsiklo...
EEEEENNNNGGGGG!!!!! RRRRRRRRR!!!!!
Malapit na.... malapit na.... EEEENNNNGGGG!!!!!!
Ngunit bago niya na-abot ang humps hindi niya na napigilan ang pag-utot.
PPPOOOOOOTTTTT!!!!!!
Sabay sabi ng kanyang gf "Belat! Hindi naabutan!"

Funny Joke Story 15


Si Totoy sa may Bar
Napagawi si totoy sa isang bar. Tiyempo namang nagpacontest ang manager nito.
 Manager: Kung sino man ang makapagpatawa sa kabayong ito ay bibigyan ko ng isandaang libong piso!
 Unang mama: Ako kaya ko! (Nilapitan nito ang kabayo at sinubukang kilitiin ngunit syay sinipa lang nito.)
 Pangalawang mama: Kaya ko yan! (Lumapit ito sa kabayo at hinimas himas ang ito habang nagkwekwento, ang kabayoy humalinghing at dinambahan ang mama).
 Sa inis ni Juan ay siya na ang umentra.
 Juan: Siguradong matatawa yang kabayo mo sa ibubulong ko sa kanya!
 Manager: Bat di mo patunayan, kaibigan!
 Lumapit si Juan sa kabayo at binulungan nya ito. Biglang humalinghing sa tawa ang kabayo, halos di na tumigil ito sa kakahalinghing sa tawa. Kayat nanalo si Juan.
 Manager: Ito ang perang napanalunan mo ngunit bumalik ka bukas ng gabi at siguradong di ka na mananalo.
 Kinabukasan, bumalik si Juan sa bar at muli na namang nagpacontest ang manager.
 Manager: Kung sino man ang makakapagpaiyak sa kabayong ito (na di pa rin tumitigil sa katatawa mula pa kagabi), ay pagkakalooban ko ng dalawang daang libong piso.
 Tulad ng isang gabi marami ang sumubok ngunit di pa rin tumitigil sa kahahalinghing sa tawa ang kabayo at silay pinagdadambahan at pinagsisipa lang nito. Kayat umentra na naman si Juan.
 Juan: Ako lang ang hinihintay nyan!
 At lumapit siya sa kabayo at pinakita nya ang kanyang ari sa kabayo. Biglang natahimik ang kabayo at mayamayay umiyak ng umiyak. Panalo na naman si Juan.
 Nang iaabot na ng manager ang kanyang panalo ay tinanong siya nito.
 Manager: Kaibigan, ano bang ang sekreto mo at napatawa mo ng husto ang kabayo kagabi at ngayoy namay halos mamatay na sa kaiiyak?
 Juan: Simple lang, Sir! Kagabi binulungan ko siya na mas malaki ang etits ko at ngayon naman, pinakita ko sa kanya ang etits ko.

Funny Joke Story 14


Ni-rape ang Gorilya
"Darling, ni-rape ako ng gorilya sa bundok!" hangos na sumbong ng asawang babae.
 "Walanghiyang gorilya `yon, teka nga!" sigaw ng lalaki sabay layas para umakyat sa bundok.
 Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang lalaki.
 "Naipaghiganti na kita, Darling," sabi ng lalaki.
 "Napatay mo na `yung gorilya?" tanong ng babae.
 "Hindi, Darling, ni-rape ko rin `yung asawa niya!"

Kabit Ni Mister
Kumakain sa restaurant ang mag-asawa nang may dumaan na magandang dilag, nakipag-usap sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi bago sila iniwan.
 "Sino `yon?" tanong ng babae.
 "Kung kailangan mo talagang malaman, siya ang kabit ko," sagot ng lalaki.
 "Napakasama mo! Ipinakita mo pa sa akin ang kabit mo! Bukas na bukas din, magpa-file ako ng divorce!"
 "Sige, iiwan mo ako? Pati ang mga alahas mo, ang dalawa mong Mercedes Benz, ang mga damit mo pati na ang bahay-bakasyunan natin sa Baguio, Palawan at Hong Kong?"
 Natigatig ang babae. Maya-maya, may nakita silang pangit na babaeng dumaan at kumaway sa lalaki at nagtanong na naman ang babae.
 "Sino naman `yon?" tanong ng nagtitimping misis.
 "Kabit ni Kumpareng Boy."
 Nangiti ang misis. "Mas magandang ` di hamak ang kabit natin kaysa sa kanya, `no?"


Funny Joke Story 13


Magnanakaw ng Delata
Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama ang kanya asawa for moral support.
 Dahil napatunayan siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.
 "Ginang, dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito. Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa rito?" ang hatol at tanong ng judge.
 "Opo", sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.
 Biglang tumayo ang asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".
 "Dahil sa misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng judge.
 Mabilis namang lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw din po siya ng de lata ng green peas!"

Nagdala ng babae si Pedro sa bahay nila.
 "Huwag kang mag-alala, wala ang misis ko rito, nagbakasyon. Puwedeng-puwede tayo rito," paniniguro ni Pedro sa babae.
 Dumiretso sa kama ang dalawa at nang nasa gitna na ng kainitan ng laban, nagsalita ang babae.
 "Teka, kailangan ko ng birth control pills o kaya'y mag -condom ka."
 Naghanap muna si Pedro at bumalik na galit na galit.
 "Talagang hindi ako pinagkakatiwalaan ng misis ko! Pati mga condoms ko, dinala! Sabi ko na nga ba, walang tiwala `yon sa akin, eh," reklamo pa ng bitin na bitin na si Pedro.

Funny Joke Story 12


Matinong Baliw
Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?"
 Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!"
 Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."
 Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?"
 Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na.
 Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa."
 Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin?"
 Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay."

 Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!
 Muli pang nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?"
 Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!"
 Bilib na naman ang Doktor. Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"
 Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa."
 "Pagkatapos..." tanong ng Doktor.
 "Pagkatapos...", sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty".
 "Pagkatapos..." tanong ng Doktor.
 "Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!"

Funny Joke Story 11


Pagtataksil ni Misis
Nitong mga nakaraang buwan napapansin ni Mister ang pagiging matabang ni Misis. Walang maisip na dahilan si Mister sa pagiging matabang ni Misis kundi ang posibilidad na si Misis ay kumakaliwa.
 Sa pag-iisip ni Mister kung papaano ang gagawin upang mapatunayan kung totoo ang kanyang hinala, nabanggit niya sa kanyang Kumpare ang kanyang niloloob.
 Mister: "Pare palagay ko ang Kumare mo kinakaliwa ako ngunit hindi ko mapatunayan."
 Kumpadre: "Sana naman Pare hindi totoo ang hinala mo, pero kung gusto mo, mayroon akong alam na paraan para mo mapatunayan ang hinala mo."
 Mister: "Siyanga Pare, ano ang alam mong paraan?"
 Kumpadre: "Di ba Pare, kama ang tinutulugan ninyo ni kumare. Yung bang box spring na may nakapatong na mattress sa ibabaw?"
 Mister: "Ganoon nga ang kama namin Pare, Oh - ngayon?"
 Kumpadre: "Ganito iyon Pare, maglagay ka ng isang gatang na palay sa kama ninyo. Sa pagitan ba ng box spring at mattress pero huwag mong ipaaalam kay Kumare."
 Mister: "Eh, ano naman ang kinalaman ng palay kung totoo ngang kumakaliwa ang Kumare mo?"
 Kumpadre: "Pare, iyong palay pag naging bigas..............SIGURADONG MAY PUMATOL KAY MISIS NA IBA."


Tamang Hinala
Nagpahula ang mag-ina kay Madam Auring....
 Madam Auring: Bukas mamamatay ang anak mo sa apoy at bato.
 Mag-ina: Naku! Umuwi na tayo at mag-ingat tayo, baka pa tayo maaksidente.
 Kinabukasan. Galit na galit ang ina, pinuntahan niya ang manghuhula.
 Sabi ng ina: Sabi mo mamamatay ang anak ko sa apoy at bato, bakit nasagasaan?
 Madam Auring: Huminahon ka, puntahan natin ang lugar ng aksidente.
 Pinuntahan nga nila.
 Madam Auring: Sabi ko na nga ba at mamamatay siya sa apoy at bato.
 Ina: Ano? Nakikita mo bang nasagasaan siya, tapos sasabihin mong apoy at bato?
 Madam Auring: Tingnan mo nga ang gulong na nakasagasa: FIRESTONE!!!

Funny Joke Story 10


Nakatipid sa Pamasahe
Takbong pumasok ng bahay si Totoy. Pagud na pagod, pero masayang-masaya. Nagmayabang pa sa ina.
 "Nay! Nay! Nakatipid ako ng singko pesos."
 "Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.
 "Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako ng takbo. Kaya't nakatipid ako ng limampiso!"
 "Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo,
 'Di mas malaki sana ang natipid mo!"

Tunay na Babae
Nagkaroon ng trouble ang airplane at magka-crash landing kaya't sabi ng piloto "Fasten your seat belt".
 Isang babae nag-panic at nagsisigaw, "Ako'y babae, nais kong maranasan ang dapat maranasan ng isang babae bago bumagsak ang eroplanong ito! Mayroon ba sa iyong magpapatunay na ako'y babae?"
 Tingin ang mga kelot at kinilatis ang babae. Medyo may edad at medyo di maganda. Walang nag-volunteer.
 Sigaw ng babae: "Maawa na kayo, patunayan ninyong ako'y babae!"

 "Ako!" sigaw ng isang pogi, malaki at bato-batong lalake habang ina-alis niya ang butones ng kanyang polo.
 Nanginig ang babae habang lumalapit ang kelot sa kanya.
 Tahimik ang lahat...
 Matapos mahubad ng lalake ang kanyang pantaas ay nagsalita ito, "Babae, ito damit ko labhan mo!"

Funny Joke Story 9


ToothPick
Isang araw, pagkatapos kumain ni Juan.
 Juan: "Maria nasaan na yung toothpick natin?"
 Maria: "Hanapin mo sa kusina"
 Juan: "Wala rito, saan mo ba nilagay?"
 Maria: "Baka nasa ibabaw ng fridge"
 Juan: "Eh wala na palang laman itong kahon, hindi ka ba bumili ng bago?"
 Maria: "Anong wala, kabibili ko lang nyan nung makalawa, tanungin mo mga si Inday."
 Juan: "Inday!!!,sandali nga lapit ka rito!"
 Inday: "yis, ser."
 Juan: "Alam mo ba kung sino ang umubos ng toothpick natin?"
 Inday: "Aba di man ako ser."
 Juan: "Eh baket naubos kaagad itong laman sa kahon?"
 Inday: "Iwan ko ser...dahel ako po pagkatapos ko pong gomamet ng totpek ebenabalek ko po sa doon sa kahon"
 Juan: "Haaaaa!"

Ang Pagtataksil ni Juan
Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan. Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.

 "Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo."
 "Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."
 "Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"
 "Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo."
 "Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinagtaksilan kita. Sana ay patawarin mo ako."
 "Alam ko iyon, kaya nga kita nilason."

Funny Joke Story 8


Si Juan sa Abroad
Si Juan ay nag-Saudi at naisipang takasan ang kalupitan ng kanyang mga Amo. Sa kagipitan, ipinasya niyang tawirin ang disyerto at humanap ng magandang kapalaran sa kalapit na bansa. Sa kanyang konting ipon, bumili siya ng Camel at gamit sa paglalakbay at dahil di niya alam paluhurin ang Camel para sakyan, nagdala na rin siya ng hagdanan.
            Ikatlong araw sa paglalakbay sinumpong si Juan ng matinding pangangailangan. Sawa na siyang magparaos sa pamamagitan ng kanyang kamay kaya ipinasya niyang pagparausan ang Camel (tutal nasa gitna siya ng disyerto at wala namang makakakita sa kanya). Dahil mataas ang Camel, gumamit siya ng hagdan, ngunit sa tuwing tatangkain niyang 'ipasok' nakikiliti and Camel at humamakbang kaya si Juan ay nahuhulog. Ganoon ng ganoon hanggang sa magsawa si Juan sa pagtatangka at ipinasya niyang magpatuloy sa paglalakbay. Ganoon pa man, hindi matanggal ang kanyang pagnanasa na makaraos sa kanyang pangangailangan.
 Ika-limang araw sa paglalakbay ng makakakita siya ng napaka-gandang Pinay na hinahabol ng mga Arabyano. "Tulungan niyo po ako" ang sigaw ng Pinay, "gusto nila akong pagsamantalahan at patayin." Pinagtitirador ni Juan ang mga humahabol at iniligtas ang kababayang Pinay. Ang Pinay nagpapasalamat. "Salamat po at iniligtas ninyo ako, utang ko sa inyo ang aking buhay, at gagawin ko po ang kahit na ano bilang pasasalamat."
 "Talaga?", ang tanong ni Juan.
 "Opo, kahit po ano gagawin ko para sa inyo".
 "Talaga, kahit na ano?", paniguradong tanong ni Juan na tumutulo na ang laway sa pagnanasa.
 "Opo, kahit po ano".
 "Kung ganoon, PAKI HAWAKAN ANG CAMEL".