Social Icons

 

Pages

Wednesday, May 30, 2012

Pinoy Joke 8


                                  Ipis
Inday : ma’am , nang naka alis na kayo kanina nakalunok ho ! ng ipis si baby ....
Amo : hah ?
Inday ; pero huwag na kayong mag alala ma’am pina –inom ko na po ng BAYGON.

                                Natutunan sa Skul
Nanay : anak ano ang natutunan mo sa skul ... ?
Anak : aaahh ... pwes , natutuhan ko na lahat ng itinuro mo ay MALI !!!
Nanay: tulad ng ano anak?
Anak: na anak mo ako

       Guardian Angel
Ama : anak , kunin mo nga ang walis sa kusina .
Anak : ayoko , natatakot ako
Ama ; wag kang matakot . kasama mo ang iyong GUARDIAN ANGEL !!!
Anak : pwes , ang GUARDIAN ANGEL na lang ang utusan mo !

                                Manyakis
Babae 1 : alam mo yung kapitbahay naming napaka manyakis .
Babae 2 : a talaga ! bukas na bukas din ipakilala mo ako ha !


                                Pagbigyan mo ako
Amo : day kung pagbibigyan mo ako at hindi ka magsosombong sa ate mo , tataasan ko suweldo mo.
Inday : hindi man ako maniwala sayo ,sir,kasi yun din ang sabi ni Ate sa driver natin.


                                Sayote
(Tumawag si Mister kay Misis humihingi ng tawad)
Mister:babe,patawarin mo na ako.
Misis: Alam mo bang umiiyak ako ngayon At galit na galit ako,kasi dahil SAYO ... SAYO ... SAYOTE lang ang ulam namin... hilaw pa.

                                Cute
Pedro: konti na lang daw ang cute sa Earth!!
Juan: alam mo ba kung sino sila?
Pedro: yung mga taing nagbabasa ng text gamit ang left hand.
Juan:(Nag tangkang ilipat ang celpone sa kaliwang kamay)
Pedro: Huwag mo na ilipat , alam ko nasa kanan yan



                                Gorilya
Isang araw naglalaro ang magsyota sa gubat  ng bigla  kinuha ng gorilya ang lalaki.
GF:(umiyak at sumigaw) kunin mo na rin ako.
Gorilya:(Sumagot ang gorilya) “ BAKIT ANAK RIN BA KITA “
                                Satisfied
Pasyente : Okey ba ang services sa ospital na ito ?
Doctor : Oo naman . sigurado yan .
Pasyente : Paano kung hindi ako satisfied ?
Doctor : ibabalik namin yong' sakit mo!

Kasabihan
Anong sabi ng kulangot sa sipon ? – manigas ka !
Anong sabi ng utot sa tae ? – pare , una na ‘ko .
Anong sabi ng tae sa kapwa tae ? – mga tsong , dahan – dahan lang wala namang tulakan.

                                Usapan
(Nag-uusap ang mataba at payat)
Payat : Bakit ang taba mo ?
Mataba : Siyempre para pag wala na tayo makain , kayo mamamatay na , kami papapayat lang

                                Ito’y
Guro : Gamitin ang salitang ITO’Y sa pangungusap.
Pedro : sa aking harapan  ITO’Y kalabaw .
Juan: sino?
Pedro:ikaw!!
Guro : Very good  Pedro.


Pinoy Joke 7



                                Chewing Gum
(Pa-landing na ang presidential plane. Napansin ng stewardess na parang sumasakit ang tenga ni President Erap dahil sa air pressure kaya lumapit ito.)
Stewardess:‘Sir, chewing gum para hindi sumakit ang tenga ninyo sa flight,’ sabi ng stewardess.
(Tinanggap ni Erap ang chewing gum. Ilang sandali pa, lumapag na ang eroplano. Kinausap ni Erap ang stewardess.)
Erap:‘Miss, paano ko tatanggalin ang chewing gum sa tenga ko?’ tanong nito.

                                Batman
(Isang lasing nakakita ng madre na maitim…bigla nyang sinuntok, tinadyakan, at binalibag..bugbog sarado ang madre. Tapos tumawa ang lasing.)
Lasing:“Wala ka palang ibubuga BATMAN!”

                                Donation ng Dugo
(Nagdonate ang lalaki ng dugo sa kanyang gf…nang sila’y magbreak, gusting bawiin ng lalaki ang dugo…ibinato ng babae and napkin at sinabi.)
GF:“Ayan! Babayaran kita monthly!...whahaha

                                Katamaran
(Nag-uusap si Juan Tamad at Juan Masipag
Juan Masipag:Mahirap labanan ang katamaran…
Juan Tamad:Lalo na pag tinatamad kang labanan ito!

Orange
Boy 1: Pare magaling na ako sa spelling!
Boy 2: Sige nga spell mo yung “orange”…
Boy 1: hehehe…nililito mo ko noh?...anong orange bay un? Yung prutas o yung kulay?

                                Retokada
(Mag-syota na di nagkita ng one month…then one day nagkita sila at ang unang tanong ng girl sa boy…..)
Girl: “mahal mo pa ba ako?”
(Di nakasagot ang boy pero ang ginawa niya…kinuha ng boy ang kamay ng girl sabay itinapat sa kanyang dibdib…at dun napaiyak ang girl…kasi…May BOOBS na pala ang gaga! Hahaha)

Babalikan
Girl: Maghiwalay na lang tayo!
Boy: okay lang…babalikan ko na lang ang ex ko…
Girl: aba! Ang kapal mo talaga! We’re officially break!
(kinabukasan)
Boy: I still love you!
Girl: di ba break na tayo? Babalikan mo pa nga ex mo di ba?
Boy: eto na nga! Binabalikan na ulit kita…hehehe

                                Non-Sense
Pedro: ang sakit tol! Bakit ganun sya? Iniwan niya ako!
Juan: bakit? Saan ba kayo dapat pupunta?
Pedro: bakit Saan ba dapat?
Juan: sa puso ko

                                Bayad Part 1
Estudyante: mama bayad hoh!
Drayber: saan galling?
Estudyante: sa akin!
Drayber: (gago to ah) saan papunta?
Estudyante: e di sau! Tanga!

Bayad Part 2
Estudyante: mama sukli ko hoh!
(drayber gusting maghiganti…pinigyan nya ng kulang na sukli…)
Estudyante: o manong, bakit kulang to? Magkano ba Quiapo?
Drayber: bakit? Bibilhin moh?

                                Puera
Teacher: Use “puera” in a sentence.
Pupil: Mi maestro es muy bonita. (My teacher is beautiful.)
Teacher: That’s very flattering but where’s the word “puera”?
Pupil: Puera usog!

                                Kalasigan
D strong became weak…
D genius became stupid…
D quiet became talkative…
D conservative became flirty…
And it all happened because of one thing dahil sa kalasingan…heheheh

                                Banggaan
(Lalaki at babae aksidenteng nagbanggaan….)
Girl: hoy! Tingnan mo nga dinadaanan moh!
Boy: paano ko titingnan ang daanan ko, kung ang aking mga mata’y nakatitig sayo?
Girl:bakit kasi ako tinitingnan mo!!
Boy: bakit pwede ba sa likod ko.

                                Excited
Boy: pag tayo nah, sabay nating haharapin ang mga problema…
Girl: wala naman akong problema eh..
Boy: kasi nga hindi pa tayo..wag ka ngang excited..!hehhe

                                Zodiac Sign
Magsyotang nag-uusap sa tabing dagat…
Girl: hon, ano zodiac sign moh?
Boy: (nag-isip siya dahil di niya alam) sayo muna hon..
Girl: zodiac sign ko CANCER..
Boy: sa akin GOITER..

Umiiyak
Pampers: Kapag umiiyak ang baby , I pampers mo
Kimbies: Kapag umiiyak pa rin , ! Kimbies mo
Huggies: Pag ayaw pa rin tumigil sa pag – iyak Aba’y , I HUGGIES mo na

                                Kutow
Teacher : ano ang pambansang hayop ng Pilipinas ?Nagsimula sa letrang K.
Pedro : Kuto?
Teacher : mali , nagtatapos ng letrang “ w” .
Pedro : Kutow.
Teacher: May sungay to....
Pedro : Demonyong kutow


Pinoy Joke 6


                        First Girl
BF: alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.
GF: sinungaling. Sabi nila lagi ka dito!
BF: oo, pero ikaw lang talaga ang girl!

Ang Pulubi
(Isang araw sa may tindahan.)
Pulubi: palimos po.
Tindero: wala po, patawad.
Pulubi: sige na po, kahit magkano.
Tindero: siya sige! Eto, dos.
Pulubi: salamat po ng marami. Isang Malboro nga po, yung menthol.

Na-late sa 500
Teacher: bakitt ka na-late?
Student: nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.
Teaher: tinulungan mo siyang maghanap?
Student: hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.

                                Thirsty Girl
(A thirsty city girl went to a barrio)
Girl: where galling your water manong?
Matanda: sa ilog ineng.
Girl: ha? You drink that water manong?
Matanda: duhhh! Why, are u asking me like that pang laba lang naming yan dito!!.

Death of MR.BEAN's mother
Mr Bean: (crying) the doctor just called up, my mom's dead.
Friend: condolence, my friend.
(after 2 minutes, Mr. Bean cries even louder.)
Friend: what now, Mr. Bean?
Mr Bean: my sister just called. Her mom died too.

Otot
Noel: ipapangalan ko sa aking anak " leon " baliktad ng Noel.
Nino: sa akin onin baliktad ng nino.
Toto: wag niyo akong maisali-sali dyan sa usapan niyo!

Promise
Husband: hon promise simula ngayon, iiwan ko na ang mga kabit ko.
Wife: wow. Thank you love. Ako naman, I promise, ang susunod nating anak, ikaw na ang ama. Promise talaga.

Moral Support
(Sa sabungan, walang entrance fee ang may dalang panabong. Si Juan para makalibre pumasok may dalang inahin.)
Bantay: (sinita si Juan) ano yan?
Juan: (galit pa!) manok!
Bantay: alam ko, eh bakit inahin?
Juan: may laban ang mister niya, siyempre moral support bobo!

May Kabit
Ina: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
(pagkatapos tawagan.)
Anak: nay, babae po ang sumagot.
Ina: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
Anak: 'you only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay mukhang matapobre.

Erap sa pizza hut
Waiter: sir, do you want me to cut your pizza into 4 slices or 8 slices?
Erap: into four na lang, masyadong marami yung eight. di ko mauubos.
Waiter: Ok I’m done sir you can eat your pizza.
Erap: Bakit ang tigas ng pizza niyo.
Waiter: Sir! Nakagat niyo po yung karton.

Erap in Museum
(Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.)
attendant: naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
ERAP: hay salamat. Akala ko bago! Eto P1 bumili ka ng bago!

Sugarfree
GMA: Ano bang hinahanap mo dyan sa 3 in 1 coffee mo at kanina ka pa silip nang silip dyan?
Erap: Hinahanap ko yung libreng asukal! May nakasulat kasi na "Sugarfree."
GMA: Bobo! Banda yun!


Walang nagpalaki
Bitoy: Dagul, bakit ang pandak mo?
Dagul: Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako.
Bitoy: Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo?
Dagul: Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!

Think Positive
Doc: Iho, bakit mu naman sinapak yung lalaki kanina?
Boy: Eh! Doc, nakita niya na ninenerbyos ako sa resulta ng aids test tapos sasabihin pa niya...
think positive pare!

                                Spellingan
ERAP to MILF : Sumuko na kayo!
MILF: Di kami susuko pag di mo maispel ang CEASEFIRE.
ERAP : Tama na! Tuloy ang giyera.

Pinoy Joke 5


Assignment
Student: ma’am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
Teacher: natural hindi.
Student: good, di ko po ginawa assignment ko!

Sa kasalan
Pari: sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.
Groom: eto P5, father.
(Tinignan ng pari ang bride.)
PARI: eto P4 sukli mo iho.

                                Library
(Sinoli ni Erap ang libro sa library.)
Erap: sobrang dami ng characters wala naman storya.
Librarian: kayo pala kumuha ng telephone directory namin!

Sa Ospital
Wife: hon, nahirapan ako huminga.
Husband: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.tutal di naman akin yan!

                                Kanal
Kuya: bakitt ganyan itsura mo? ang dungis mo at amoy imburnal ka
Utol:nakita mo ba yung kanal sa tapat ng tindahan nila aling inday?
kuya: abay syempre naman
utol: puwes ako HINDI ko nakita

                                Butlig
Amo: Bakit ka umiiyak?
Katulong: Sabi po ni dok tatanggalan po ako ng butlig
Amo: Butlig lang iiyak ka na…
Katulong: Kasi ok lang kung right lig or left lig lang o… Pero bakit naman butligs pa…..

                                Nagkopyahan
Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano ‘yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

                                Payo ng Doktor
Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru’n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

De-lata
Anak: 'tay, pahingi ng P20. bibili ako ng de-lata!
Tatay: anak, mga taga-probinsya lang ang tumatawag ng de-lata! Englishin mo!
Anak: Pa'no?

Tatay: 'KANG GUD" !

THINGS THAT YOU DONT WANNA HERE WHEN YOUR IN OPERATION
-san yung gunting na bago? Bat may kalawang to?
-10ml? may nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
-doc, ubos na po pala yung anesthesia.
-kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
-sunog! Sunog! Labas lahat!

Ang Katapat ni Inday
Amo: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.
(nilabas ni Inday ang pulubi at nag salita ng english)
Inday: off you go! Under no circumstance this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!
Pulubi: oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!)
nosebleed!!!.hehehe

Why God invented menopause:
(Once upon a time, a 70 year old woman gave birth.)
Bisita: pwedeng makita ang baby mo?
Mom: mamaya na.
(30 minutes after.)
bisita: pwede na bang makita?
Mom: oo, pero hintay muna tayo na umiyak kasi nakalimutan ko kung saan ko linagay.

                                Pambansang Ibon
Teacher: ano ang pambansang ibon?
Boy: chicken?
Teacher: hindi! kulay brown ito!
Boy: fried chicken!
Teacher: hindi! mas maliit ito sa chicken.
Boy: knorr chicken cubes!
Teacher: get out!

Suportahan taka
Divorced Father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.
Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!

Finding Denominator
Boy: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
Dad: ha? aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?

1st Time
(May nangyari sa magsyota sa hotel)
BF: is this your first time?
GF: (angrily) oo naman noh. You guys talaga. So kuleeet! Always asking me the same question. Paulit-ulit. Hmp!


Pinoy Joke 4



Sine
(2 friends talking.)
Pedro: wow pare! Nood ako sine kanina, ubos 1000 ko!
Juan: ha? bakit?
Pedro: bili ako ng bili ng ticket, pinupunit nung babae sa pinto! adik ata!

                                Pangarap
Juan: pangarap kong kumita ng half a million monthly gaya ni tatay.
Pedro: wow! ganyan kalaki kinikita ng tatay mo?
Juan: hindi, yan din ang pangarap niya...

Art Paper
(1 bata ang nag-pasa ng blank paper sa art teacher niya..)
Teacher: bakit blanko ang pinasa mo?
Student: nagdrawing po ako ng baka at damo.
Teacher: (tiningnan ang papel) san ang damo?
Student: naubos na po, kinain ng baka.
Teacher: (kamot sa ulo) e nasan na yung baka?
Student: ano pa gagawin ng baka diyan e wala ng damo? syempre umalis na ma'am! Konting utak naman!

Aksidente
(Nakita ni Juan ang mga nagkukumpulan na tao, may naaksidente, dahil sa kagustuhang makita ni Juan ang namatay, gumawa siya ng eksena para tumabi ang mga tao...)
Juan:Tumabi kayo, that's my brother!
(Nagsitabi ang mga tao hanggang sa makita ni Juan ang naaksidente isang kawawa at duguang unggoy.)

                                Pekeng Shampoo
Juan: Bwiset na shampoo to! Ayaw bumula!
Pedro: Paano bubula yan hindi naman basa buhok mo!
Juan:Hello?! For dry hair nga daw to eh! Naman! Konting isip naman!

                                Pollutants
Amerikano: What are the pollutants in your country?
Jinggoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin, chicharon, mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).

                                Open Minded
Pasyente: Dok, bakit Po ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos Kita na utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.

Beauty contest
Emcee: What’s the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!

                                Mental Hospital
(Dumalaw si GMA sa mental hospital...)
Dok: Let's welcome President Arroyo!
Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...
GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?
Dok: Ma'am, magaling na po siya!

Nag-iimprove
(Sa loob ng isang kwarto sa mental hospital may tatlong pasyente... isang araw dumalaw ang doctor
pag pasok ng doctor nakita niya si pasyente 1 nagbabasa ng libro)
Doctor: aba! nagiimprove ka na ah!
Pasyente 1: i merely want to kill the time and so i ended up picking a random book
Doctor: maganda yan, big words ah.
(Paglingon ng doctor nakita niya si pasyente 2 nagsusulat)
Doctor: aba! isa ka pa! nagiimprove ka na a! mabuti yan!
Pasyente 2: nagsusulat lang po ako ng nobela. aktibo po kasi imahinasyon ko ngaun e.
Doctor: good good. pagkatapos pabasa ako a..
(Pagkatapos magusap ng doctor at ni pasyente 2 nakita nia si pasyente 3 natayo sa lamesa at open arms pa!)
Doctor: hoy ikaw! bumaba ka dian! bakit di mo gayahin tong dalawa na to! walang pagbabago sa iyong kalagayan
Pasyente 3: doc ako po ang ilaw!
Doctor: anung ilaw ka dian! bumaba ka nga dian [hinatak ng doctor si pasyente 3 pababa ng lamesa]
Pasyente 1 at Pasyente 2: ay! langya yan bastusan! may nagpatay ng ilaw!

                                Mountain Dew
(Tindahan with signboard "Selling Mountain Dew - offer please")
Boy: Ale, magkano po yun Mountain Dew?
Ale: Magkano offer mo boy?
Boy: 10 pesos po?
Ale: Di kaya boy, kinse isa benta ko.

                                Palimos
Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba , sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?

                                Weakness
(Sa loob ng Mall)
Boy: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.
Girl: Ang pangit pangit naman!
Boy: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since…

                                Hearing
Judge: Ano ba talaga nangyari?
Erap: ? (di nagsasalita)
Judge: Sumagot ka sa tanong.
Erap: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?

Palay
Teacher: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa dugo’t pawis ng mga magsasaka?
Student: eeewwww!


Tuesday, May 29, 2012

Pinoy Joke 3


Blush on at Lipstick
Anak: Maniwala ka po hindi ako bakla.
Ama: Asus anak..matanda na ako pero hindi mo ako maloloko.
Anak: Bakit po ba ayaw niyo maniwala na hindi ako bakla? Give me a reason...
Ama: Tumingin ka sa salamin para malaman mo.
(Tumingin sa salamin ang anak.)
Anak: Bakit ano po bang masama sa blush on at lipstick ko?

Summer Job
Studyante: Boss mag-aaply po ako.
Manager: Magaaply ka? Eh bakit naka-trunks at shades ka? Anong position ba inaaplayan mo?
Studyante: Summer job po.

Smart Secretary
(Nalilito si boss sa Math computation.)
Boss: Kung bibigyan kita ng 3 milyon less 17%? How much would you take off?
Secretary: Lahat lahat sir! Damit, panti, bra..

Wallet o Utak
Holdaper: pumili ka yang wallet mo o pasasabugin ko utak mo?!
Lalaki: sus bahala ka!! parehas naman walang laman yan eh ..

After 10 years!
Boy: Mahal mo ba ako?
Girl: Sorry. May bf na ako e.
(After 10 years nagkita ang boy at gir)
Girl: Kamusta ka na? Wala na kami ng bf ko. Mahal mo parin ba ako?
Boy: Sorry may mahal na akong iba.
Girl: Sino?
Boy: Yung ex mo.

Usapang Mag-asawa
Wife: Hon, good news buntis ako!
(Biglang nabadtrip ang lalaki.)
Husband: Anong good news doon?
Wife: Bakit hindi ka ba masaya sa magiging baby natin?
Husband: Paano ako magiging masaya? Nakalimutan mo na bang baog ako?

Usapang Anak
(Nanganak ng panget ang asawa ni Juan.)
Asawa: Ang ganda ng anak natin. Kamukhang kamukha ko.
Juan: Oo nga. Kamukha mo nga.
Asawa: Isa siyang biyaya satin.
Juan: Oo nga. Biyaya.
Asawa: Para sakin isa syang kayamanan.
Juan: Kayamanan? Tara ilibing na natin para walang makakita.

Wag kang Epal
Juan: Anong gagawin mo dyan sa lagari?
Pedro: Ah may aayusin lang ako.
Juan: Ok. Para sang yang martilyo?
Pedro: Gagamitin kong pangpukpok.
Juan: Ok. E yang pako?
Pedro:(naiinis na) Para pangkabit.
Juan: Eh bat ka kumukuha ng kahoy? Yan ba gagamitin mo sa gagawin mo?
Pedro: Hindi. Pampupukpok ko sa mga taong tanong ng tanong.
Juan: Ah sige. May lakad pa pala ako.

                                Pag-ibig
 Paano ba nasusukat ang ang pag-ibig?
 Paano ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?
 Pano ko malalaman kung siya na ba talaga?
 Hindi ko alam pero dapat tandaan mo na wag kang
 sisigaw pag nakasalubong mo si Sadako.

Piso
 Ang bawat piso ay pinaghihirapan
 Dugo't pawis ang puhunan.
 Mahalaga ang bawat piraso
 kaya sana...
 Magreply ka naman pag nagtetext ako!
 Mahiya ka sa parents ko na nagtitiyagang magload saken!

Kokey
 Lahat naman tayo may kapintasan,
 Lahat tayo hindi perpekto...
 Kaya wag kang mag-alala kung ganyan
 ka pinanganak...
 Normal lang yan...
 Hindi mo naman kasalanan na maging kamukha mo si...
 KOKEY.

                                Mahirap Sabihin
 Masakit sabihin ang "I hate you"
 Mahirap sabihin ang "I'm sorry"
 Lalo na ang "I love you"
 Pero  pinakamahirap sabihin ang...
 "iskibiritsiboooop
 iskiribaaboap
 blooopikiribitkiribit""
 Ikaw nga kaya mo ba?

                                Kalandian
 Teacher: Juan sagutin mo ang tanong ko, kung meron akong 5 anak sa unang
 asawa at 6 sa pangalawang asawa, mayron akong?
 Juan: Ma'am meron kayong taglay na kalandian.

Nagtumbling
Anak: Papa nagtumbling ako sa iskul!
Ama: i told you, huwag kang magtumbling at makikita panty mo!
Anak: Hindi naman nakita eh! Nilagay ko sa bag tay.

Busog
Anak: Busog na ako.
Mama: ano ka ba? ubusin mo yan! hndi mo ba alam? napakaraming nagugutom sa buong mundo?
Anak: oh tapos? pag inubos ko to, mabubusog sila ganon?
                                Human Brain
Teacher:Human brain is the most outstanding thing...
It functions 24 hours and 365 days...
It functions right from the time we were born...
and it only stops when,.....
Student:We take EXAMS.
                                Pautang
Mike: pare, pautang naman P200!
Peter: pare, P100 lang ang dala ko.
Mike: Ah, sige, isandaan lang muna. Basta ha, may utang ka pa sa akin na P100.

                                Drawing
Bunso: Inay, tingnan niyo po drawing ko oh.
Inay: Wow! ang galing namang magdrawing ng dinosaur ng bunso ko.
Bunso: Inay naman eh....Kayo po iyan...



Pinoy Joke 2


                              Pakisabi
 Boy: tandaan mo lahat ng sasabihin ko dahil importante ito
 Girl: ok ano ba sasabihin mo?
 Boy: mahal na mahal kita lagi mong tandaan na andito lang ako lagi sa tabi mo!!!
 Boy: ano natatandaan mo ba?
 Girl: (kinilig) ah oo naman
 Boy: good pakisabi sa besfriend mo ha!!

Akyat Bahay
Juan: Boss paano natin to nanakawin eh nakapadlock?
Pedro: Tanga ka ba? Gagamitin natin yung lagari para masira.
Juan: Ah ganun ba? Boss hindi naman siya nakalock e....
Pedro: Hay! Kung hindi ka ba naman isang malaking tanga. Eh di ilock mo muna para malagari natin tapos saka natin nanakawin.


Sa Fiesta
Boy 1:  Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ako ang lumantak sa letson?
Boy 2: Sinungaling ka!
Boy 1: Maniwala ka. Hindi ako ang my sala.
Boy 2: Paano ako maniniwala e punong puno ng sarsa yang bibig mo!

Suicide
Boy 1: Anong gagawin mo?
Boy 2: Sawa na ako sa buhay ko. Magpapakamatay na ako.
Boy 1: E bakit sa paa nakatali yang lubid. Dapat sa leeg.
Boy 2: Ayoko na sa leeg. Sinubukan ko na kanina kaso ang hirap huminga.

Pulis Patola
(Pinara ng tangang Pulis ang isang sasakyan.)
Pulis: Bakit kayo may wang-wang? Di nyo ba alam na pinagbabawal na yan?
Drayber: Pasensya na po nagmamadali lang kasi kami. May pasyente po kasi kami sa loob.
Pulis: Pasyente? Bakit ano ba 'tong sasakyan niyo?
Drayber: Ambulansya po!

Humanitarian
Juan: Sa tingin mo anong ibig sabihin ng vegetarian?
Pedro: Vegetarian? edi yung mga taong kinakain lang ay gulay.
Juan: Ah..ok, nakakatakot pala yung mga Humanitarian.
Pedro: Bakit naman?
Juan: Isipin mo na lang kung ano yung kinakain nila.

Operation Tuli
Boy 1: Hoy! Ano tong pinagkakalat mo na supot daw ako?
Boy 2: Hindi ah! Sabi ko lang na malapit ka nang tuliin. Pero di ko sinasabing supot ka. Alam ko namang malilintikan ako sa'yo eh.
Boy 1: Good! Kala ko binuko mo na ako eh!

Mabait na Holdaper
Holdaper: Holdap to! Akina laman ng pitaka mo.
Biktima: Pasensya na po walang laman ang pitaka ko e.
Holdaper: Ganoon ba? Paano yan?
Biktima: Kung gusto niyo po kukuha muna ako sa bahay tapos balikan ko na lang kayo dito.
Holdaper: O sige. Aantayin na lang kita dito. Bumalik ka na lang pag may laman na yang pitaka mo. Buti na lang mabait ako.

Sa Operating Room
Doctor: Tapos na ang operation. Tell me if nakakakita kana.
Juan (Bulag): Doc, wala pa rin po. Ang dilim pa rin.
Doctor: Anak ng! Wala ka talagang makikita kasi nakapikit ka pa. Subukan mong idilat...

Only in The Philippines
(Sumakay ng taxi ang hapon at nakakita siya ng Honda)
Hapon: O Honda...Honda made from Japan, very very fast...
(Nakakita siya ng Suzuki...)
Hapon: O Suzuki....Suzuki made from Japan, very very fast...
(Nakakita  naman siya ng Toyota...)
Hapon: Oh...Toyota, from japan also...very fast too...
(Pagbaba niya ay siningil siya ng drayber ng 1 thousand.)
Hapon: 1 thousand? Why so expensive?
Drayber: Taxi meter made from the Philippines, very very fast.


Boracay
Pedro: Bilisan mo dyan maligo pupunta pa tayo ng barangay!
Juan: Oo sandali lang, Wag kang sumigaw, di ako bingi!
(After 15 minutes.)
Pedro: Oh bakit naka swimming trunks ka?
Juan: Akala ko ba pupunta tayo sa boracay?

Usapang Daga
Daga1: Ako matapang na daga nakakain ako ng  racumin (lason para sa daga).
Daga2: Ang weak mo pre. Ako matapang na daga nakakain ng cheese w/ mouse trap.
Daga3: Mga bading ba kayo? Ako matapang na daga dahil sa syota  ko
Daga1: Bakit ka naman naging matapang sa syota mo?
Daga2: Bakit sino ba syota mo?
Daga3: Si Miming yung pusa!

Bagsak sa Exam
Teacher: Bakit bagsak ang exam mo ngayon Juan? Dati naman magkasing taas kayo ni  Pedro. Bakit ngayon bagsak na?
Juan: Kasi po di ko na katabi si Pedro.

                                Eyebol
Pedro: may ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! “SHA” daw ang palayaw niya…
Juan: jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!
(after eyebol, pedro went home…)
Juan: kumusta? Bakit malungkot ka yata?
Pedro: dioniSHA pare…dioniSHA!


No. 2
(May dalawang estudyanteng nagkokopyahan)
Girl: Aminin mo na kasi..may number.2 ka!
Boy: Wala nga...
Girl: Wag kang magsinungaling. Sabihin mo na kasi para matapos na 'to
Boy: Bakit ba ayaw mo maniwala? Wala nga...sasabihin ko naman sa'yo pag meron na.
Teacher:Magsyota ba kayo?

Night Shift
Ama: Walang hiya ka! San ka na naman galing at bakit inumaga ka na naman? Saan ka ba nagpupunta ha?!
Anak: Dad, don't you remember? Night shift ako. Sa call center ako nagwowork.
Ama: ........


Pinoy Joke 1


Hinoldap si Vice Ganda
Holdaper: Holdap to!
Vice Ganda: And so? Walang nagtatanong.
Holdaper: sabi ng holdap to!
Vice Ganda: so dapat pinagsisigawan?
Holdaper: Holdap nga to!! Holdap! Holdap!
Vice Ganda: Paulit-ulit? Unli tayo?
Holdaper: di ka tatahimik papatayin kita!
Vice Ganda: ano to, kalokohan? Akala ko holdap tapos patayan na? Ano to, 2 in 1? Special o regular?
Holdaper: Bahala ka, Aalis na lang ako!
Vice Ganda: Ay ganun? Walk out? Di pa tayo tapos! Bumalik ka dito!

Nag Roller Blades Vice Ganda
Fan: Siguro ang yaman yaman mo na.
Vice Ganda: Sana magdilang anghel ka....
Fan: Ano gamit mo papunta sa CEBU?
Vice Ganda: ROLLER BLADES
Fan: Ang layo ng Pangasinan sa CEBU
Vice Ganda: Malayo ka diyan?
Fan: Kaya mong magroller blades papuntang Pangasinan?
Vice Ganda: Backride lang ako..Joke Joke Joke

Interview with Vice Ganda
Fan: Pagkatapos ng nose to nose ano naman pauusuhin mo?
Vice: Habulan saksakan..ikaw uunahin ko...Keri? Joke :)
Fan: Anong course mo nung college?
Vice Ganda: Automotive Major in Troubleshooting
Fan: Ano ang ginagawa mo pag Sunday?
Vice: Nag aantay ng MONDAY...

Sa Opisina ni Vice Ganda
 Vice Ganda: pasok mo nga dito yung mga papeles ko..
 Secretary: ser saan ko ipapasok , dito sa loob"?
 Vice Ganda: hinde sa labas, ipasok nga diba.pwede bang ipasok sa labas, sige nga subukan mong ipasok doon sa labas

 Another Day with Vice Ganda
 Kararating Lang sa Opis..
Secretary: Hi! good morning po sir nandito na po pala kayo
 Vice Ganda: hinde wala pa, picture ko lang toh, hindi pa ako to

                                Legal Party
 Coco: Ang sabi po nila hindi po ba kayo natatakot na ang bali-balita po
 daw ay halos nagkakawatak-watak na raw po lalo na 'yung legal party.
 Vice Ganda: Ano daw yun? Ulitin mo nga...
 Coco: Ang sabi po nila hindi po ba kayo natatakot na ang bali-balita
 po daw ay halos nagkakawatak-watak na raw po lalo na 'yung legal party.
 Vice Ganda: Legal party? Ang taray Liberal Party ginawa mong Legal Party. Bakit may illegal party ba?

Tinatanong si Vice Ganda
 Madlang People: I love ABS-CBN's Bida Best Summer Station ID! Bakit wala ka dun??
Vice Ganda: Baka sa GMA ka nanuod....
 Madlang People: Naisip mo din bang magkaroon ng pamilya someday?
 Vice Ganda: May pamilya naman ako ah...Ano akala mo? Nakikishare lang ako?

Pabango

 Vhong: Ang bango mo naman...Ano bang perfume mo?
 Vice Ganda: Passion
 Vhong: Passion??
 Vice Ganda: Downy Passion Akala mo lang Perfume...Ikaw din naman.Ang bango bango mo! Amoy "CK" ka!
Vhong: Wow! Calvin Klein?? Ang sosyal naman nun..
 Vice Ganda: Hindi..."CAMOTENG KAHOY"

                                Diether
 Ryan Bang: Bonga Yan...Ang ganda ng Patos(sapatos)...ang ganda
 pero eto medyo kulang eh. (sabay turo sa mukha ni Vice ganda.)
 Vice Ganda: Yung face ko talaga ang kulang ah.Pero ikaw ang gwapo mo. Yung mukha mo "DIETHER"
 Vhong Navarro: DIETHER OCAMPO??
 Vice Ganda: Hindi...DIETHER-AGENT BAR!

Letter F
 Tatay: anak!! ano itong F sa card mo ha!!
 Anak: (nag-iisip) Tatay Fasado po ibig sabihin niyan
 Tatay: Ahh akala ko Ferfect!!

                                SEX
 Anak: Tatay ano pong ibig sabihin ng SEX?
 Tatay: Ang sex ay pagtatalik sa tagalog. Isang ritwal na ginagawa pagkatapos ikasal. Mag
 tatabi ang dalawang nagmamahalan hanggang sa sukdulang ligaya na magbubunga sa nilalang
 na gaya mo.
Aanak: Ay!! Yun pala ibig sabihin ng SEX.Sayang hindi ko naisulat sa BioData ko.

 Palusot
Ping:Paano kung nakita ng crush mo na tumutulo ang sipon mo anong sasabihin mo?
Pong:Sheettt!!! pati ba naman ang sipon ko.. nahuhulog na sa iyo..

 Coconut
Anak:Tay,anong mangyayari sa chichirya pag hindi mo naubos at hinayaan mong bukas?
Tatay:Ano pa? Eh!! di Coconut

 French Lesson
 Cough: O vou
 Ashes: A vou
 Car: Re vou
 Baloons: Lo vou
 Drugs: Sha vou
 Good bye: Va vou
 Cute: A cou
 Ikaw: Mol tou

                                Buking si Mister
 Sender: Hi balita ko masarap kang ka sex try ko sana if ok sa yo
 Reply: Oo ba! kita tayo mamaya sa sogo cubao. patitirikin ko ang mga mata mo! sino ka nga pla?
 Sender:Gago misis mo to!! humanda ka mamaya paguwi mo!! paduduguin ko ang mga mata mo!!!