Social Icons

 

Pages

Tuesday, May 29, 2012

Pinoy Joke 3


Blush on at Lipstick
Anak: Maniwala ka po hindi ako bakla.
Ama: Asus anak..matanda na ako pero hindi mo ako maloloko.
Anak: Bakit po ba ayaw niyo maniwala na hindi ako bakla? Give me a reason...
Ama: Tumingin ka sa salamin para malaman mo.
(Tumingin sa salamin ang anak.)
Anak: Bakit ano po bang masama sa blush on at lipstick ko?

Summer Job
Studyante: Boss mag-aaply po ako.
Manager: Magaaply ka? Eh bakit naka-trunks at shades ka? Anong position ba inaaplayan mo?
Studyante: Summer job po.

Smart Secretary
(Nalilito si boss sa Math computation.)
Boss: Kung bibigyan kita ng 3 milyon less 17%? How much would you take off?
Secretary: Lahat lahat sir! Damit, panti, bra..

Wallet o Utak
Holdaper: pumili ka yang wallet mo o pasasabugin ko utak mo?!
Lalaki: sus bahala ka!! parehas naman walang laman yan eh ..

After 10 years!
Boy: Mahal mo ba ako?
Girl: Sorry. May bf na ako e.
(After 10 years nagkita ang boy at gir)
Girl: Kamusta ka na? Wala na kami ng bf ko. Mahal mo parin ba ako?
Boy: Sorry may mahal na akong iba.
Girl: Sino?
Boy: Yung ex mo.

Usapang Mag-asawa
Wife: Hon, good news buntis ako!
(Biglang nabadtrip ang lalaki.)
Husband: Anong good news doon?
Wife: Bakit hindi ka ba masaya sa magiging baby natin?
Husband: Paano ako magiging masaya? Nakalimutan mo na bang baog ako?

Usapang Anak
(Nanganak ng panget ang asawa ni Juan.)
Asawa: Ang ganda ng anak natin. Kamukhang kamukha ko.
Juan: Oo nga. Kamukha mo nga.
Asawa: Isa siyang biyaya satin.
Juan: Oo nga. Biyaya.
Asawa: Para sakin isa syang kayamanan.
Juan: Kayamanan? Tara ilibing na natin para walang makakita.

Wag kang Epal
Juan: Anong gagawin mo dyan sa lagari?
Pedro: Ah may aayusin lang ako.
Juan: Ok. Para sang yang martilyo?
Pedro: Gagamitin kong pangpukpok.
Juan: Ok. E yang pako?
Pedro:(naiinis na) Para pangkabit.
Juan: Eh bat ka kumukuha ng kahoy? Yan ba gagamitin mo sa gagawin mo?
Pedro: Hindi. Pampupukpok ko sa mga taong tanong ng tanong.
Juan: Ah sige. May lakad pa pala ako.

                                Pag-ibig
 Paano ba nasusukat ang ang pag-ibig?
 Paano ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?
 Pano ko malalaman kung siya na ba talaga?
 Hindi ko alam pero dapat tandaan mo na wag kang
 sisigaw pag nakasalubong mo si Sadako.

Piso
 Ang bawat piso ay pinaghihirapan
 Dugo't pawis ang puhunan.
 Mahalaga ang bawat piraso
 kaya sana...
 Magreply ka naman pag nagtetext ako!
 Mahiya ka sa parents ko na nagtitiyagang magload saken!

Kokey
 Lahat naman tayo may kapintasan,
 Lahat tayo hindi perpekto...
 Kaya wag kang mag-alala kung ganyan
 ka pinanganak...
 Normal lang yan...
 Hindi mo naman kasalanan na maging kamukha mo si...
 KOKEY.

                                Mahirap Sabihin
 Masakit sabihin ang "I hate you"
 Mahirap sabihin ang "I'm sorry"
 Lalo na ang "I love you"
 Pero  pinakamahirap sabihin ang...
 "iskibiritsiboooop
 iskiribaaboap
 blooopikiribitkiribit""
 Ikaw nga kaya mo ba?

                                Kalandian
 Teacher: Juan sagutin mo ang tanong ko, kung meron akong 5 anak sa unang
 asawa at 6 sa pangalawang asawa, mayron akong?
 Juan: Ma'am meron kayong taglay na kalandian.

Nagtumbling
Anak: Papa nagtumbling ako sa iskul!
Ama: i told you, huwag kang magtumbling at makikita panty mo!
Anak: Hindi naman nakita eh! Nilagay ko sa bag tay.

Busog
Anak: Busog na ako.
Mama: ano ka ba? ubusin mo yan! hndi mo ba alam? napakaraming nagugutom sa buong mundo?
Anak: oh tapos? pag inubos ko to, mabubusog sila ganon?
                                Human Brain
Teacher:Human brain is the most outstanding thing...
It functions 24 hours and 365 days...
It functions right from the time we were born...
and it only stops when,.....
Student:We take EXAMS.
                                Pautang
Mike: pare, pautang naman P200!
Peter: pare, P100 lang ang dala ko.
Mike: Ah, sige, isandaan lang muna. Basta ha, may utang ka pa sa akin na P100.

                                Drawing
Bunso: Inay, tingnan niyo po drawing ko oh.
Inay: Wow! ang galing namang magdrawing ng dinosaur ng bunso ko.
Bunso: Inay naman eh....Kayo po iyan...



No comments:

Post a Comment