Social Icons

 

Pages

Wednesday, May 30, 2012

Pinoy Joke 4



Sine
(2 friends talking.)
Pedro: wow pare! Nood ako sine kanina, ubos 1000 ko!
Juan: ha? bakit?
Pedro: bili ako ng bili ng ticket, pinupunit nung babae sa pinto! adik ata!

                                Pangarap
Juan: pangarap kong kumita ng half a million monthly gaya ni tatay.
Pedro: wow! ganyan kalaki kinikita ng tatay mo?
Juan: hindi, yan din ang pangarap niya...

Art Paper
(1 bata ang nag-pasa ng blank paper sa art teacher niya..)
Teacher: bakit blanko ang pinasa mo?
Student: nagdrawing po ako ng baka at damo.
Teacher: (tiningnan ang papel) san ang damo?
Student: naubos na po, kinain ng baka.
Teacher: (kamot sa ulo) e nasan na yung baka?
Student: ano pa gagawin ng baka diyan e wala ng damo? syempre umalis na ma'am! Konting utak naman!

Aksidente
(Nakita ni Juan ang mga nagkukumpulan na tao, may naaksidente, dahil sa kagustuhang makita ni Juan ang namatay, gumawa siya ng eksena para tumabi ang mga tao...)
Juan:Tumabi kayo, that's my brother!
(Nagsitabi ang mga tao hanggang sa makita ni Juan ang naaksidente isang kawawa at duguang unggoy.)

                                Pekeng Shampoo
Juan: Bwiset na shampoo to! Ayaw bumula!
Pedro: Paano bubula yan hindi naman basa buhok mo!
Juan:Hello?! For dry hair nga daw to eh! Naman! Konting isip naman!

                                Pollutants
Amerikano: What are the pollutants in your country?
Jinggoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin, chicharon, mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).

                                Open Minded
Pasyente: Dok, bakit Po ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos Kita na utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.

Beauty contest
Emcee: What’s the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!

                                Mental Hospital
(Dumalaw si GMA sa mental hospital...)
Dok: Let's welcome President Arroyo!
Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...
GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?
Dok: Ma'am, magaling na po siya!

Nag-iimprove
(Sa loob ng isang kwarto sa mental hospital may tatlong pasyente... isang araw dumalaw ang doctor
pag pasok ng doctor nakita niya si pasyente 1 nagbabasa ng libro)
Doctor: aba! nagiimprove ka na ah!
Pasyente 1: i merely want to kill the time and so i ended up picking a random book
Doctor: maganda yan, big words ah.
(Paglingon ng doctor nakita niya si pasyente 2 nagsusulat)
Doctor: aba! isa ka pa! nagiimprove ka na a! mabuti yan!
Pasyente 2: nagsusulat lang po ako ng nobela. aktibo po kasi imahinasyon ko ngaun e.
Doctor: good good. pagkatapos pabasa ako a..
(Pagkatapos magusap ng doctor at ni pasyente 2 nakita nia si pasyente 3 natayo sa lamesa at open arms pa!)
Doctor: hoy ikaw! bumaba ka dian! bakit di mo gayahin tong dalawa na to! walang pagbabago sa iyong kalagayan
Pasyente 3: doc ako po ang ilaw!
Doctor: anung ilaw ka dian! bumaba ka nga dian [hinatak ng doctor si pasyente 3 pababa ng lamesa]
Pasyente 1 at Pasyente 2: ay! langya yan bastusan! may nagpatay ng ilaw!

                                Mountain Dew
(Tindahan with signboard "Selling Mountain Dew - offer please")
Boy: Ale, magkano po yun Mountain Dew?
Ale: Magkano offer mo boy?
Boy: 10 pesos po?
Ale: Di kaya boy, kinse isa benta ko.

                                Palimos
Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba , sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?

                                Weakness
(Sa loob ng Mall)
Boy: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.
Girl: Ang pangit pangit naman!
Boy: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since…

                                Hearing
Judge: Ano ba talaga nangyari?
Erap: ? (di nagsasalita)
Judge: Sumagot ka sa tanong.
Erap: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?

Palay
Teacher: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa dugo’t pawis ng mga magsasaka?
Student: eeewwww!


No comments:

Post a Comment