Maalaala
Mo Kaya
Dear Charo,
Nais kong ikuwento sa inyo
ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hindi kokayang makalimutan
kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang ulan noon.Katatapos ko pa lamang
maligo at nakatapis pa lamang sa loob ng aking kuwarto. Narinig ko si Itay na
kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan
daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya. Nagulat na
lamang ako nang isarado at ikinandado ang pinto. Hinawakan ni Itay ang braso
ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!". Ngunit hindi
tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pumikit na
lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha ng aking tatay sa kanyang
ginagawa. Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na,
"Hayop ka wag mong gawin yan sa anak mo." Ngunit wala pa rin.
Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos. Pagkalagpas ng ilang oras ay
natapos din ang aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay nagulat ako sa aking
nakita. Magaling naman pala mag-make-up
si Itay.
Noong gabi na iyon ay nagladlad ng tunay na
katauhan si Itay. Bakla pala siya. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa.
Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami
doon at nagiyakan.
Masaya na kami ngayon at walang problema.
Yours truly,
BADONG
No comments:
Post a Comment