Social Icons

 

Pages

Sunday, June 24, 2012

Funny Joke Story 11


Pagtataksil ni Misis
Nitong mga nakaraang buwan napapansin ni Mister ang pagiging matabang ni Misis. Walang maisip na dahilan si Mister sa pagiging matabang ni Misis kundi ang posibilidad na si Misis ay kumakaliwa.
 Sa pag-iisip ni Mister kung papaano ang gagawin upang mapatunayan kung totoo ang kanyang hinala, nabanggit niya sa kanyang Kumpare ang kanyang niloloob.
 Mister: "Pare palagay ko ang Kumare mo kinakaliwa ako ngunit hindi ko mapatunayan."
 Kumpadre: "Sana naman Pare hindi totoo ang hinala mo, pero kung gusto mo, mayroon akong alam na paraan para mo mapatunayan ang hinala mo."
 Mister: "Siyanga Pare, ano ang alam mong paraan?"
 Kumpadre: "Di ba Pare, kama ang tinutulugan ninyo ni kumare. Yung bang box spring na may nakapatong na mattress sa ibabaw?"
 Mister: "Ganoon nga ang kama namin Pare, Oh - ngayon?"
 Kumpadre: "Ganito iyon Pare, maglagay ka ng isang gatang na palay sa kama ninyo. Sa pagitan ba ng box spring at mattress pero huwag mong ipaaalam kay Kumare."
 Mister: "Eh, ano naman ang kinalaman ng palay kung totoo ngang kumakaliwa ang Kumare mo?"
 Kumpadre: "Pare, iyong palay pag naging bigas..............SIGURADONG MAY PUMATOL KAY MISIS NA IBA."


Tamang Hinala
Nagpahula ang mag-ina kay Madam Auring....
 Madam Auring: Bukas mamamatay ang anak mo sa apoy at bato.
 Mag-ina: Naku! Umuwi na tayo at mag-ingat tayo, baka pa tayo maaksidente.
 Kinabukasan. Galit na galit ang ina, pinuntahan niya ang manghuhula.
 Sabi ng ina: Sabi mo mamamatay ang anak ko sa apoy at bato, bakit nasagasaan?
 Madam Auring: Huminahon ka, puntahan natin ang lugar ng aksidente.
 Pinuntahan nga nila.
 Madam Auring: Sabi ko na nga ba at mamamatay siya sa apoy at bato.
 Ina: Ano? Nakikita mo bang nasagasaan siya, tapos sasabihin mong apoy at bato?
 Madam Auring: Tingnan mo nga ang gulong na nakasagasa: FIRESTONE!!!

No comments:

Post a Comment