Magnanakaw
ng Delata
Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag
shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama
ang kanya asawa for moral support.
Dahil napatunayan
siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.
"Ginang,
dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay
hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito.
Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa
rito?" ang hatol at tanong ng judge.
"Opo",
sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.
Biglang tumayo ang
asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".
"Dahil sa
misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng
judge.
Mabilis namang
lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw
din po siya ng de lata ng green peas!"
Nagdala
ng babae si Pedro sa bahay nila.
"Huwag kang
mag-alala, wala ang misis ko rito, nagbakasyon. Puwedeng-puwede tayo
rito," paniniguro ni Pedro sa babae.
Dumiretso sa kama
ang dalawa at nang nasa gitna na ng kainitan ng laban, nagsalita ang babae.
"Teka,
kailangan ko ng birth control pills o kaya'y mag -condom ka."
Naghanap muna si
Pedro at bumalik na galit na galit.
"Talagang
hindi ako pinagkakatiwalaan ng misis ko! Pati mga condoms ko, dinala! Sabi ko
na nga ba, walang tiwala `yon sa akin, eh," reklamo pa ng bitin na bitin
na si Pedro.
lols
ReplyDelete