Social Icons

 

Pages

Sunday, June 24, 2012

Funny Joke Story 13


Magnanakaw ng Delata
Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama ang kanya asawa for moral support.
 Dahil napatunayan siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.
 "Ginang, dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito. Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa rito?" ang hatol at tanong ng judge.
 "Opo", sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.
 Biglang tumayo ang asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".
 "Dahil sa misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng judge.
 Mabilis namang lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw din po siya ng de lata ng green peas!"

Nagdala ng babae si Pedro sa bahay nila.
 "Huwag kang mag-alala, wala ang misis ko rito, nagbakasyon. Puwedeng-puwede tayo rito," paniniguro ni Pedro sa babae.
 Dumiretso sa kama ang dalawa at nang nasa gitna na ng kainitan ng laban, nagsalita ang babae.
 "Teka, kailangan ko ng birth control pills o kaya'y mag -condom ka."
 Naghanap muna si Pedro at bumalik na galit na galit.
 "Talagang hindi ako pinagkakatiwalaan ng misis ko! Pati mga condoms ko, dinala! Sabi ko na nga ba, walang tiwala `yon sa akin, eh," reklamo pa ng bitin na bitin na si Pedro.

1 comment: