Si
Totoy sa may Bar
Napagawi si totoy sa isang bar. Tiyempo namang
nagpacontest ang manager nito.
Manager: Kung sino
man ang makapagpatawa sa kabayong ito ay bibigyan ko ng isandaang libong piso!
Unang mama: Ako
kaya ko! (Nilapitan nito ang kabayo at sinubukang kilitiin ngunit sya’y sinipa lang nito.)
Pangalawang mama:
Kaya ko yan! (Lumapit ito sa kabayo at hinimas himas ang ito habang
nagkwekwento, ang kabayo’y
humalinghing at dinambahan ang mama).
Sa inis ni Juan ay
siya na ang umentra.
Juan: Siguradong
matatawa yang kabayo mo sa ibubulong ko sa kanya!
Manager: Ba’t di mo patunayan, kaibigan!
Lumapit si Juan sa
kabayo at binulungan nya ito. Biglang humalinghing sa tawa ang kabayo, halos di
na tumigil ito sa kakahalinghing sa tawa. Kaya’t nanalo si Juan.
Manager: Ito ang
perang napanalunan mo ngunit bumalik ka bukas ng gabi at siguradong di ka na
mananalo.
Kinabukasan,
bumalik si Juan sa bar at muli na namang nagpacontest ang manager.
Manager: Kung sino
man ang makakapagpaiyak sa kabayong ito (na di pa rin tumitigil sa katatawa
mula pa kagabi), ay pagkakalooban ko ng dalawang daang libong piso.
Tulad ng isang
gabi marami ang sumubok ngunit di pa rin tumitigil sa kahahalinghing sa tawa
ang kabayo at sila’y
pinagdadambahan at pinagsisipa lang nito. Kaya’t umentra na naman si Juan.
Juan: Ako lang ang
hinihintay nyan!
At lumapit siya sa
kabayo at pinakita nya ang kanyang ari sa kabayo. Biglang natahimik ang kabayo
at mayamaya’y
umiyak ng umiyak. Panalo na naman si Juan.
Nang iaabot na ng
manager ang kanyang panalo ay tinanong siya nito.
Manager: Kaibigan,
ano bang ang sekreto mo at napatawa mo ng husto ang kabayo kagabi at ngayo’y nama’y halos mamatay na sa
kaiiyak?
Juan: Simple lang,
Sir! Kagabi binulungan ko siya na mas malaki ang etits ko at ngayon naman,
pinakita ko sa kanya ang etits ko.
No comments:
Post a Comment