Si
Dan Balikbayan
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong nang kanyang kumpare
na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya
masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi
kasama ang kanyang kumpare.
Eh minsan, nagsawa
na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," Sabi ni
kumpareng itinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse, at mga credit cards
ko. Mag-shopping ka naman sa mall, lumabas ka naman ng bahay nang malibang ka
naman. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono sa opisina, papasok na
ako."
Eto na po, dahil
na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos ang kolokoy,
sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si tarantado (Dan) sa pamamasyal sa mall.
Nakapili ng damit na gusto niya, pero pagdating sa cashier, biglang tanong sa
kanya Sir! Visa or MasterCard?
Biglang nataranta
at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng takbo palabas si Dan, dahil
sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik at hinahanap ang visa ko!" sabi
ni Dan, "Baka nabisto na ako!, Shet!" Sakay kaagad siya nang kotse ni
kumpare, haruruot!.
Kaso, halos wala
nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay
siya nang gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir! pay first
please!". "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"
Nagtatakbo si Dan
sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang
lumapit sa pay phone.(hingal)Kailangang...(hingal) ... matawagan ko ....
(hingal) si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para masundo niya ako
rito ... (hingal).
Pagtaas niya ng
telepono, narinig niya, "AT&T, how may I help you?" ... .....
"Aba, Anak ng putakteh!, alam na TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba
niya ng telepono, may amerikanong nakatayo sa likod niya, ang tanong ba
naman.....
"Are you
done?". Napahandusay si Dan sa phone booth. Biglang bulalas, "Buray
kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng amerikano ..... "Hey!
be cool, man!", "Hinakupo," sabi ni Dan, "Alam pa kung
taga-saan ako!". Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang
siya.
Ngayon si Dan ay
nasa Bicol na muli at binansagan siyang si "Dan Balikbayan".
No comments:
Post a Comment