Si
Juan sa Mental Hospital
Si Juan ay bumisita sa isang mental hospital at siya'y
nag-usisa para sa kanyang school assignment.
Juan: Papaano nyo
po ba nalalaman kung talagang me sayad ang pasyenteng dinadala sa dito?
Doktor: Ganito
yun. Pinupuno namin ng tubig ang isang bath tub. Tapos, iaabot namin sa
pasyente ang kutsara, tasa at balde at uutusan namin siyang limasin o tanggalin
nya ang tubig sa bathtub. Titingnan namin ngayon kung ano ang gagamitin niya sa
tatlo.
Juan: Magaling, siguradong pipiliin ng normal na tao ang
balde para mabilis na maubos ang tubig!
Doktor: Mali!
Kapag normal ang isang tao, tatanggalin lang niya ang plug (yung tapon na
nakabara sa butas) ng bathtub!
No comments:
Post a Comment