Si
Juan ay nagpunta sa probinsya upang mag-hunting.
Papunta sila sa
kagubatan ng kanyang guide at panay ang pagyayabang na siya raw ay asintado at
wala pa raw siyang ti-narget na di tinamaan.
Pagdating sa
kagubatan, agad siyang nakakita ng baboy damo, inasinta. . . binaril . . .
sablay.
Ang guide
nagkakamot ng ulo, "Akala ko po talaga kayong asintado."
"Asintado ako
talaga, nagkaroon lang ng puwing ang mata ko kaya ako sumablay.
Para patunayan ko
sa iyo, babarilin ko iyong mga ibon na lumilipad na nakapikit."
Ang guide
nagdududa, "nakapikit at mapapalagpak nyo?"
"Oo, manood
ka," Pumikit si Juan na inumang at pinaputok ang baril, ng magmulat siya
ng mata hinanap niya ang ibon sa lupa.
"Aba,
pambihira pala ang mga ibon dito sa inyo, may tama na eh nakakalipad pa
rin."
No comments:
Post a Comment