ToothPick
Isang araw, pagkatapos kumain ni Juan.
Juan: "Maria
nasaan na yung toothpick natin?"
Maria:
"Hanapin mo sa kusina"
Juan: "Wala
rito, saan mo ba nilagay?"
Maria: "Baka
nasa ibabaw ng fridge"
Juan: "Eh
wala na palang laman itong kahon, hindi ka ba bumili ng bago?"
Maria: "Anong
wala, kabibili ko lang nyan nung makalawa, tanungin mo mga si Inday."
Juan:
"Inday!!!,sandali nga lapit ka rito!"
Inday: "yis,
ser."
Juan: "Alam
mo ba kung sino ang umubos ng toothpick natin?"
Inday: "Aba
di man ako ser."
Juan: "Eh
baket naubos kaagad itong laman sa kahon?"
Inday: "Iwan
ko ser...dahel ako po pagkatapos ko pong gomamet ng totpek ebenabalek ko po sa
doon sa kahon"
Juan:
"Haaaaa!"
Ang
Pagtataksil ni Juan
Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan.
Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal
at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.
"Juan, bago
ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo."
"Mahal, huwag
ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."
"Pero Juan,
kailangan talagang malaman mo na........"
"Sssshhhh,
kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa
huling sandali mo rito sa mundo."
"Juan, nais kong
ipagtapat sa iyo na pinagtaksilan kita. Sana ay patawarin mo ako."
"Alam ko
iyon, kaya nga kita nilason."
No comments:
Post a Comment