Social Icons

 

Pages

Sunday, June 24, 2012

Funny Joke Story 17


Si Dan Balikbayan
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong nang kanyang kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
 Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," Sabi ni kumpareng itinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse, at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa mall, lumabas ka naman ng bahay nang malibang ka naman. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono sa opisina, papasok na ako."
 Eto na po, dahil na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos ang kolokoy, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si tarantado (Dan) sa pamamasyal sa mall. Nakapili ng damit na gusto niya, pero pagdating sa cashier, biglang tanong sa kanya Sir! Visa or MasterCard?
 Biglang nataranta at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng takbo palabas si Dan, dahil sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik at hinahanap ang visa ko!" sabi ni Dan, "Baka nabisto na ako!, Shet!" Sakay kaagad siya nang kotse ni kumpare, haruruot!.
 Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay siya nang gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir! pay first please!". "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"
 Nagtatakbo si Dan sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay phone.(hingal)Kailangang...(hingal) ... matawagan ko .... (hingal) si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para masundo niya ako rito ... (hingal).
 Pagtaas niya ng telepono, narinig niya, "AT&T, how may I help you?" ... ..... "Aba, Anak ng putakteh!, alam na TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may amerikanong nakatayo sa likod niya, ang tanong ba naman.....
 "Are you done?". Napahandusay si Dan sa phone booth. Biglang bulalas, "Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng amerikano ..... "Hey! be cool, man!", "Hinakupo," sabi ni Dan, "Alam pa kung taga-saan ako!". Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang siya.
 Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan siyang si "Dan Balikbayan".

Funny Joke Story 16


Ututin na boyfriend
Binibisita ng boyfriend ang kanyang girlfriend.
Kumain sila at umupo sa salas.
Marami ang nakain ng bf at kailangan niyang maglabas ng masamang hangin.
Ngunit nahihiya siya sa gf niya. Pinigil ng bf ang pag-utot, pero hindi niya na ito nakaya.
PPOOOOOTTTTT!!!!!
Huminto ang bf sa paggalaw. Hiyang-hiya siya at pulang pula ang mukha. Tiningnan niya ang gf niya.
Walang siya ang gf, pero biglang tinawag ang aso na nasa ilalim ng upuan ng bf.
"Rex, umalis ka nga dyan!"
Pero walang kilos ang aso. Nakahinga ng maluwag ang bf at inisip - "Hay salamat, akala niya yung aso ang umutot!"
Nag-chat sila, ngunit nakaraan ang ilang sandali ay napapa-utot muli ang bf dahil talagang ang dami niyang kinain. Hindi niya ulit ito napigilan.
PPPOOOOOOTTTTT!!!!
Kinabahan ulit ang bf at namula. Muling sinabi ng gf, "Rex, ano ka ba? Umalis ka dyan sabi eh!"
Wala paring kibo ang aso. "Hay salamat sa aso," isip ng bf, "Akala niya ulit yung aso ang umutot."
Nag-chat ulit sila, pero napapa-utot ulit ang bf at hindi niya ito napigilan.
PPPPOOOOOOOOTTTTTTTT!!!!!!
Tumayo ang gf "Rex! Umalis ka dyan baka mataihan ka!!!!"


Ututin na boyfriend (Part 2)
May bagong sports motorcycle si bf. Mabilis niya itong pinapatakbo habang nakayakap sa kanya ang kanyang gf sa likod.
Ngunit eto nga namang si bf, talagang napaka-ututin. Naghanap siya ng mga bato at ipinadaan ang motorsiklo dito, habang siya ay umu-utot.
BUMP! POOT! BUMP! POOTT!!! BUMP!!!!
Walang sinabi ang gf so nakahinga ng maluwag si bf.
Pero nauutot nanaman siya. Naghanap siya ng lubak at ipinadaan ang motorsiklo dito habang umuutot.
SPLASH! POOTT!!! SPLASH!!! POOTT!!!SPLASH!!!
Walang sinabi si gf. Natuwa si bf dahil nakatakas nanaman siya sa matinding hiya.
Pero nauutot nanaman siya. May nakita siyang humps pero malayo pa. Binilisan niya ang takbo ng motorsiklo...
EEEEENNNNGGGGG!!!!! RRRRRRRRR!!!!!
Malapit na.... malapit na.... EEEENNNNGGGG!!!!!!
Ngunit bago niya na-abot ang humps hindi niya na napigilan ang pag-utot.
PPPOOOOOOTTTTT!!!!!!
Sabay sabi ng kanyang gf "Belat! Hindi naabutan!"

Funny Joke Story 15


Si Totoy sa may Bar
Napagawi si totoy sa isang bar. Tiyempo namang nagpacontest ang manager nito.
 Manager: Kung sino man ang makapagpatawa sa kabayong ito ay bibigyan ko ng isandaang libong piso!
 Unang mama: Ako kaya ko! (Nilapitan nito ang kabayo at sinubukang kilitiin ngunit syay sinipa lang nito.)
 Pangalawang mama: Kaya ko yan! (Lumapit ito sa kabayo at hinimas himas ang ito habang nagkwekwento, ang kabayoy humalinghing at dinambahan ang mama).
 Sa inis ni Juan ay siya na ang umentra.
 Juan: Siguradong matatawa yang kabayo mo sa ibubulong ko sa kanya!
 Manager: Bat di mo patunayan, kaibigan!
 Lumapit si Juan sa kabayo at binulungan nya ito. Biglang humalinghing sa tawa ang kabayo, halos di na tumigil ito sa kakahalinghing sa tawa. Kayat nanalo si Juan.
 Manager: Ito ang perang napanalunan mo ngunit bumalik ka bukas ng gabi at siguradong di ka na mananalo.
 Kinabukasan, bumalik si Juan sa bar at muli na namang nagpacontest ang manager.
 Manager: Kung sino man ang makakapagpaiyak sa kabayong ito (na di pa rin tumitigil sa katatawa mula pa kagabi), ay pagkakalooban ko ng dalawang daang libong piso.
 Tulad ng isang gabi marami ang sumubok ngunit di pa rin tumitigil sa kahahalinghing sa tawa ang kabayo at silay pinagdadambahan at pinagsisipa lang nito. Kayat umentra na naman si Juan.
 Juan: Ako lang ang hinihintay nyan!
 At lumapit siya sa kabayo at pinakita nya ang kanyang ari sa kabayo. Biglang natahimik ang kabayo at mayamayay umiyak ng umiyak. Panalo na naman si Juan.
 Nang iaabot na ng manager ang kanyang panalo ay tinanong siya nito.
 Manager: Kaibigan, ano bang ang sekreto mo at napatawa mo ng husto ang kabayo kagabi at ngayoy namay halos mamatay na sa kaiiyak?
 Juan: Simple lang, Sir! Kagabi binulungan ko siya na mas malaki ang etits ko at ngayon naman, pinakita ko sa kanya ang etits ko.

Funny Joke Story 14


Ni-rape ang Gorilya
"Darling, ni-rape ako ng gorilya sa bundok!" hangos na sumbong ng asawang babae.
 "Walanghiyang gorilya `yon, teka nga!" sigaw ng lalaki sabay layas para umakyat sa bundok.
 Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang lalaki.
 "Naipaghiganti na kita, Darling," sabi ng lalaki.
 "Napatay mo na `yung gorilya?" tanong ng babae.
 "Hindi, Darling, ni-rape ko rin `yung asawa niya!"

Kabit Ni Mister
Kumakain sa restaurant ang mag-asawa nang may dumaan na magandang dilag, nakipag-usap sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi bago sila iniwan.
 "Sino `yon?" tanong ng babae.
 "Kung kailangan mo talagang malaman, siya ang kabit ko," sagot ng lalaki.
 "Napakasama mo! Ipinakita mo pa sa akin ang kabit mo! Bukas na bukas din, magpa-file ako ng divorce!"
 "Sige, iiwan mo ako? Pati ang mga alahas mo, ang dalawa mong Mercedes Benz, ang mga damit mo pati na ang bahay-bakasyunan natin sa Baguio, Palawan at Hong Kong?"
 Natigatig ang babae. Maya-maya, may nakita silang pangit na babaeng dumaan at kumaway sa lalaki at nagtanong na naman ang babae.
 "Sino naman `yon?" tanong ng nagtitimping misis.
 "Kabit ni Kumpareng Boy."
 Nangiti ang misis. "Mas magandang ` di hamak ang kabit natin kaysa sa kanya, `no?"


Funny Joke Story 13


Magnanakaw ng Delata
Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama ang kanya asawa for moral support.
 Dahil napatunayan siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.
 "Ginang, dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito. Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa rito?" ang hatol at tanong ng judge.
 "Opo", sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.
 Biglang tumayo ang asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".
 "Dahil sa misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng judge.
 Mabilis namang lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw din po siya ng de lata ng green peas!"

Nagdala ng babae si Pedro sa bahay nila.
 "Huwag kang mag-alala, wala ang misis ko rito, nagbakasyon. Puwedeng-puwede tayo rito," paniniguro ni Pedro sa babae.
 Dumiretso sa kama ang dalawa at nang nasa gitna na ng kainitan ng laban, nagsalita ang babae.
 "Teka, kailangan ko ng birth control pills o kaya'y mag -condom ka."
 Naghanap muna si Pedro at bumalik na galit na galit.
 "Talagang hindi ako pinagkakatiwalaan ng misis ko! Pati mga condoms ko, dinala! Sabi ko na nga ba, walang tiwala `yon sa akin, eh," reklamo pa ng bitin na bitin na si Pedro.

Funny Joke Story 12


Matinong Baliw
Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?"
 Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!"
 Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."
 Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?"
 Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na.
 Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa."
 Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin?"
 Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay."

 Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!
 Muli pang nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?"
 Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!"
 Bilib na naman ang Doktor. Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"
 Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa."
 "Pagkatapos..." tanong ng Doktor.
 "Pagkatapos...", sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty".
 "Pagkatapos..." tanong ng Doktor.
 "Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!"

Funny Joke Story 11


Pagtataksil ni Misis
Nitong mga nakaraang buwan napapansin ni Mister ang pagiging matabang ni Misis. Walang maisip na dahilan si Mister sa pagiging matabang ni Misis kundi ang posibilidad na si Misis ay kumakaliwa.
 Sa pag-iisip ni Mister kung papaano ang gagawin upang mapatunayan kung totoo ang kanyang hinala, nabanggit niya sa kanyang Kumpare ang kanyang niloloob.
 Mister: "Pare palagay ko ang Kumare mo kinakaliwa ako ngunit hindi ko mapatunayan."
 Kumpadre: "Sana naman Pare hindi totoo ang hinala mo, pero kung gusto mo, mayroon akong alam na paraan para mo mapatunayan ang hinala mo."
 Mister: "Siyanga Pare, ano ang alam mong paraan?"
 Kumpadre: "Di ba Pare, kama ang tinutulugan ninyo ni kumare. Yung bang box spring na may nakapatong na mattress sa ibabaw?"
 Mister: "Ganoon nga ang kama namin Pare, Oh - ngayon?"
 Kumpadre: "Ganito iyon Pare, maglagay ka ng isang gatang na palay sa kama ninyo. Sa pagitan ba ng box spring at mattress pero huwag mong ipaaalam kay Kumare."
 Mister: "Eh, ano naman ang kinalaman ng palay kung totoo ngang kumakaliwa ang Kumare mo?"
 Kumpadre: "Pare, iyong palay pag naging bigas..............SIGURADONG MAY PUMATOL KAY MISIS NA IBA."


Tamang Hinala
Nagpahula ang mag-ina kay Madam Auring....
 Madam Auring: Bukas mamamatay ang anak mo sa apoy at bato.
 Mag-ina: Naku! Umuwi na tayo at mag-ingat tayo, baka pa tayo maaksidente.
 Kinabukasan. Galit na galit ang ina, pinuntahan niya ang manghuhula.
 Sabi ng ina: Sabi mo mamamatay ang anak ko sa apoy at bato, bakit nasagasaan?
 Madam Auring: Huminahon ka, puntahan natin ang lugar ng aksidente.
 Pinuntahan nga nila.
 Madam Auring: Sabi ko na nga ba at mamamatay siya sa apoy at bato.
 Ina: Ano? Nakikita mo bang nasagasaan siya, tapos sasabihin mong apoy at bato?
 Madam Auring: Tingnan mo nga ang gulong na nakasagasa: FIRESTONE!!!

Funny Joke Story 10


Nakatipid sa Pamasahe
Takbong pumasok ng bahay si Totoy. Pagud na pagod, pero masayang-masaya. Nagmayabang pa sa ina.
 "Nay! Nay! Nakatipid ako ng singko pesos."
 "Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.
 "Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako ng takbo. Kaya't nakatipid ako ng limampiso!"
 "Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo,
 'Di mas malaki sana ang natipid mo!"

Tunay na Babae
Nagkaroon ng trouble ang airplane at magka-crash landing kaya't sabi ng piloto "Fasten your seat belt".
 Isang babae nag-panic at nagsisigaw, "Ako'y babae, nais kong maranasan ang dapat maranasan ng isang babae bago bumagsak ang eroplanong ito! Mayroon ba sa iyong magpapatunay na ako'y babae?"
 Tingin ang mga kelot at kinilatis ang babae. Medyo may edad at medyo di maganda. Walang nag-volunteer.
 Sigaw ng babae: "Maawa na kayo, patunayan ninyong ako'y babae!"

 "Ako!" sigaw ng isang pogi, malaki at bato-batong lalake habang ina-alis niya ang butones ng kanyang polo.
 Nanginig ang babae habang lumalapit ang kelot sa kanya.
 Tahimik ang lahat...
 Matapos mahubad ng lalake ang kanyang pantaas ay nagsalita ito, "Babae, ito damit ko labhan mo!"

Funny Joke Story 9


ToothPick
Isang araw, pagkatapos kumain ni Juan.
 Juan: "Maria nasaan na yung toothpick natin?"
 Maria: "Hanapin mo sa kusina"
 Juan: "Wala rito, saan mo ba nilagay?"
 Maria: "Baka nasa ibabaw ng fridge"
 Juan: "Eh wala na palang laman itong kahon, hindi ka ba bumili ng bago?"
 Maria: "Anong wala, kabibili ko lang nyan nung makalawa, tanungin mo mga si Inday."
 Juan: "Inday!!!,sandali nga lapit ka rito!"
 Inday: "yis, ser."
 Juan: "Alam mo ba kung sino ang umubos ng toothpick natin?"
 Inday: "Aba di man ako ser."
 Juan: "Eh baket naubos kaagad itong laman sa kahon?"
 Inday: "Iwan ko ser...dahel ako po pagkatapos ko pong gomamet ng totpek ebenabalek ko po sa doon sa kahon"
 Juan: "Haaaaa!"

Ang Pagtataksil ni Juan
Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan. Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.

 "Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo."
 "Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."
 "Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"
 "Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo."
 "Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinagtaksilan kita. Sana ay patawarin mo ako."
 "Alam ko iyon, kaya nga kita nilason."

Funny Joke Story 8


Si Juan sa Abroad
Si Juan ay nag-Saudi at naisipang takasan ang kalupitan ng kanyang mga Amo. Sa kagipitan, ipinasya niyang tawirin ang disyerto at humanap ng magandang kapalaran sa kalapit na bansa. Sa kanyang konting ipon, bumili siya ng Camel at gamit sa paglalakbay at dahil di niya alam paluhurin ang Camel para sakyan, nagdala na rin siya ng hagdanan.
            Ikatlong araw sa paglalakbay sinumpong si Juan ng matinding pangangailangan. Sawa na siyang magparaos sa pamamagitan ng kanyang kamay kaya ipinasya niyang pagparausan ang Camel (tutal nasa gitna siya ng disyerto at wala namang makakakita sa kanya). Dahil mataas ang Camel, gumamit siya ng hagdan, ngunit sa tuwing tatangkain niyang 'ipasok' nakikiliti and Camel at humamakbang kaya si Juan ay nahuhulog. Ganoon ng ganoon hanggang sa magsawa si Juan sa pagtatangka at ipinasya niyang magpatuloy sa paglalakbay. Ganoon pa man, hindi matanggal ang kanyang pagnanasa na makaraos sa kanyang pangangailangan.
 Ika-limang araw sa paglalakbay ng makakakita siya ng napaka-gandang Pinay na hinahabol ng mga Arabyano. "Tulungan niyo po ako" ang sigaw ng Pinay, "gusto nila akong pagsamantalahan at patayin." Pinagtitirador ni Juan ang mga humahabol at iniligtas ang kababayang Pinay. Ang Pinay nagpapasalamat. "Salamat po at iniligtas ninyo ako, utang ko sa inyo ang aking buhay, at gagawin ko po ang kahit na ano bilang pasasalamat."
 "Talaga?", ang tanong ni Juan.
 "Opo, kahit po ano gagawin ko para sa inyo".
 "Talaga, kahit na ano?", paniguradong tanong ni Juan na tumutulo na ang laway sa pagnanasa.
 "Opo, kahit po ano".
 "Kung ganoon, PAKI HAWAKAN ANG CAMEL".

Funny Joke Story 7


Si Juan ay nagpunta sa probinsya upang mag-hunting.
 Papunta sila sa kagubatan ng kanyang guide at panay ang pagyayabang na siya raw ay asintado at wala pa raw siyang ti-narget na di tinamaan.
 Pagdating sa kagubatan, agad siyang nakakita ng baboy damo, inasinta. . . binaril . . . sablay.

 Ang guide nagkakamot ng ulo, "Akala ko po talaga kayong asintado."
 "Asintado ako talaga, nagkaroon lang ng puwing ang mata ko kaya ako sumablay.
 Para patunayan ko sa iyo, babarilin ko iyong mga ibon na lumilipad na nakapikit."
 Ang guide nagdududa, "nakapikit at mapapalagpak nyo?"
 "Oo, manood ka," Pumikit si Juan na inumang at pinaputok ang baril, ng magmulat siya ng mata hinanap niya ang ibon sa lupa.
 "Aba, pambihira pala ang mga ibon dito sa inyo, may tama na eh nakakalipad pa rin."


Funny Joke Story 6


Payabangan ng Trabaho
Nagkita si Juan at Pedro na magkumpadreng matagal na ring di nagkikita.
 Juan: "Pare saan ka nagtatrabaho ngayon?"
 Pedro: "IBM, Pare", ang sagot."
 Juan: "IBM eh, wala ka namang computer background ah?"
 Pedro: "Istambay Buong Maghapon. Eh, ikaw Pare anong trabaho mo ngayon?"
 Juan: "Chemist, Pare"
 Pedro: "Chemist, paanong nangyari 'yon eh, di ka naman nag-college?
 Juan: "Ke Misis umaasa, Pare."

Buari Kay Jose Rizal
Isang araw sa eskwelahan, tinanong ng kanyang guro si Juan.
 Guro: Sino ang bumaril kay Jose Rizal?
 Juan: Hindi po ako ang bumaril kay Jose Rizal.
 Guro: Juan, di ako nagbibiro. Sino ang bumaril kay Jose Rizal?
 Bata: Hindi po talaga ako, peksman.
 Galit na galit ang guro kay Juan. Sinabihan nito na dalhin ang magulang bukas.
 Kinabukasan........
 Guro: Ang anak nyo ay hindi masagot ang tanong ko. Tinatanong ko lang naman sa kanya kung sino ang bumaril kay Jose Rizal.
 Tatay ni Juan: Ayyyyy mabait po ang anak ko. Inosente po siya. Hindi po siya talaga ang bumaril kay Jose Rizal.


Funny Joke Story 5


Bago Mamatay
Bago mamatay si Mr. Wong ay isa-isa nyang tinawag ang kanyang pamilya.
 Mr. Wong: "Akyen junior andyan ba?"
 Junior: "Dito po!"
 Mr. Wong: "Akyen panganay andyan ba?"
 Panganay: "Dito po!"
 Mr. Wong: "Akyen anak na babae andyan ba?"
 Anak: "Dito po!"
 "Akyen asawa andyan ba?"
 Asawa: "Honey, andito ako!"
 Mr. Wong: "Walahiya! Dito kayo lahat! Wala tao tindahan!"

Funny Joke Story 4


Sa isang Congregation ay nagsesermon ang Pastor.
 Mga kapatid dapat nating malaman na ang templo ng Diyos ay ang ating katawan. Kaya, huwag nating sirain ang ating katawan sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, pambababae at sa lahat ng uri ng bisyo na makasisira sa Templo ng Diyos.
 Nagtanong si Juan, "Pastor, totoo bang ang katawan ko ang Templo ng Diyos?"
 Sumagot ang Pastor, "Opo, kapatid kaya iwasan mo na ang mga bisyong makasisira sa iyong katawan na templo ng Diyos."
 Muling nagsalita si Juan, "Pastor, narito ang aking offerings at Ikapu, saan ko ibibigay ito?"
 Sagot ng Pastor, "Kapatid, iyan po ay dapat ibigay sa Templo, ang ating Church."

 Nagtaka si Juan, "Sabi mo ang templo ng Diyos ay ang katawan ko, kaya hindi ko dapat sirain. Bakit pag pera na, ang templo ng Diyos ay ang church na?????"

Funny Joke Story 3


Si Juan sa Mental Hospital
Si Juan ay bumisita sa isang mental hospital at siya'y nag-usisa para sa kanyang school assignment.
 Juan: Papaano nyo po ba nalalaman kung talagang me sayad ang pasyenteng dinadala sa dito?
 Doktor: Ganito yun. Pinupuno namin ng tubig ang isang bath tub. Tapos, iaabot namin sa pasyente ang kutsara, tasa at balde at uutusan namin siyang limasin o tanggalin nya ang tubig sa bathtub. Titingnan namin ngayon kung ano ang gagamitin niya sa tatlo.
Juan: Magaling, siguradong pipiliin ng normal na tao ang balde para mabilis na maubos ang tubig!
 Doktor: Mali! Kapag normal ang isang tao, tatanggalin lang niya ang plug (yung tapon na nakabara sa butas) ng bathtub!

Funny Joke Story 2


Pustahan sa Presinto
Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI.
Imbestigador: Juan, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyong milyong pera.
Juan: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.
Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.
 Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.
Juan: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.
Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!
 Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.
Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador) Sir, dodoblehen ko po ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng kahit isang patak ang mesa nyo.
Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!
 Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa rin ng tawa si Juan.
Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?
Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.
Abogado: Waaaahhhhh!

Funny Joke Story 1


Maalaala Mo Kaya
Dear Charo,
Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hindi kokayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang ulan noon.Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang sa loob ng aking kuwarto. Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya. Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado ang pinto. Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!". Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha ng aking tatay sa kanyang ginagawa. Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, "Hayop ka wag mong gawin yan sa anak mo." Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos. Pagkalagpas ng ilang oras ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita. Magaling naman pala  mag-make-up si Itay.
 Noong gabi na iyon ay nagladlad ng tunay na katauhan si Itay. Bakla pala siya. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nagiyakan.
 Masaya na kami ngayon at walang problema.

 Yours truly,
BADONG

Pinoy Joke 13

Isolated Camp
Isang U.S. Major ang na-stationed sa isolated na Kampo sa Iraq. Kinabukasan,
habang may ispection, napansin ng Major ang isang camel na nakatali sa likuran ng Barracks.
Nagtanong siya sa Sergeant kung bakit may alagang camel sa Kampo.
SGT: Major, dito sa kampo, masyadong malayo ang bayan kaya't kung sinuman ang gustong makatikim ng ligaya,
nandito naman ang camel.
Major: Bawal mag alaga ng hayop dito sa Kampo pero kung para sa 'morale' ng mga Troops, it's okey with me.
Makalipas ang anim na buwan, hindi na makatiis ang Major kaya't tinawag ang Sarhento.
Major: Dalhin mo dito sa tent ang camel. Walang nagawa ang Sarhento kaya't dinala ang camel sa loob ng tent. Makalipas ang 15 minutes, lumabas ang Major na nakangiti.
Major: Sergeant, ganito ba ang ginagawa ng mga Troops pag nalulungkot sila?
SGT: Hindi po Sir, sinasakyan nila ang camel papunta sa bayan para makahanap ng mga babae!

Gusot-Gusot
Si lolo hugo at lola maria ay matagal nang hindi nag co contact sexually.
Kaya't miss na miss na ni lola maria and intimate relationship nila,
hangang isang gabi, para mapansin sya ni lolo hugo ay naghubad si lola maria
sa kanilang kwarto (aakitin nya si lolo). Pagpasok ni lolo at napatingin kay
lola......sabi ni lolo hugo: ANO KA BA NAMAN MARIA BAKIT GUSOT-GUSOT ANG DAMIT MO??


Attempted Rape
At Police Station:
Dalaga: Sir, kakasuhan ko po iyong kapitbahay kong si Toto pogi.
Police: Ano ang isasampang kaso mo sa kanya.
Dalaga: Attempted rape po Sir.
Police: E, Baka puedeng maayos niyong dalawa iyan, total di naman natuloy iyong rape.
Dalaga: Kaya nga nagdedemanda ako Sir, dahil di pa niya itinuloy.

Napakasikip
In the bed:
Babae: Dahan-dahan lang, ang bilis mo naman.
Lalaki: Bakit ang hirap napakasikip ng ano mo. Wow! virgin ka pa ata a.
Babae: E, di mo kasi hinubad iyong stocking ko.


Blood Type
Vampire 1: Namumutla ka lalo a, may sakit ka ba?
Vampire 2: Oo, iyong nasipsip ko may severe anemia pala kaya nahawaan tuloy ako.
Vampire 1: E, papano iyan?
Vampire 2: Punta ako sa hospital, magpapaabono ako ng dugo.
Vampire 1: Ano ba iyong type ng dugo mo, A, B , O?
Vampire 2: Di ako sure, basta nasa A up to Z iyon.

Praying for 10 Pesos
Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin
sa Diyos.
Pulubi: "Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso
dahil gutom na gutom na lang po ako."
Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa
katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot
sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: "Amang, narinig ng Diyos
ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain".
Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling
yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking
panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa
pulis, kasi malaki na ang bawas".

Liham
DEAR: BULAG
pakisabi kay Bingi na nanalo si Pilay sa takbuhan...
nagmamahal
WALANG KAMAY

Erap spell!!!
Kausap ni Erap ang Abu sayyaf at nag nenegoiate pra mapalaya ang red cross
Abu sayyaf:papalayain ko ang aming biktima kung maiispell mo ang mississippi
Erap:pwede manila bay nalang hehe

Tindera
tindira: HOII!kahit nagtitinda lang ako ng juice dito may mga anak ako na
nasa UP, UV, UC, USC, USJR ug STC.
student:WOW!anong course nila?
tindira:wala!nagtitinda rin ng juicce..

Pagalingan sa pagkanta
( 3 magkumpare ang nagmamayabang sa kantahan sa loob ng araneta c. .. )
( paramihan ng puntos sa pamamagitan ng taong tatayo )
singer1 : oohhh yeeess im a great pretender...
( palakpakan... 30 senior citizen ang tumayo )
singer2 : itaktak mo, itaktak mo. itak-itak..itaktak mo....
( palakpakan... 60 kabataan at senior citizen nagsi tayo-an )
singer3 : bayang magiliw perlas ng silanganan...
( tayo lang ng tao sa araneta

Alien
May nakasabay akong amerikano sa elevator...Parehas kaming pupunta sa
ground floor..
May pumasok pang isang pinoy..
Guy#1:Bababa ba?
Ako:Bababa
Amerikano:Are you aliens?


Turtle
Isang Pamilya ang magbabakasyon sana may Baguio ng Lumubog Ang barKo
Nanay: kumapit kaung lahat sakin wag kaung bibitaw
bumitaw ang anak nitong kuba sa kanya at nahiwalay ito.Pero sa
kinasawiang palad Ito lng ang natira sa pamilya nya dahil kinain
lahat cla ng pating
Kuba:Pating Kainin mo na rin ako wala nang kwenta ang buhay ko
dahil kinain mo nang lahat ng kapamilya ko
Pating: WAG MO KONG LINALANGIN
kuBA:Bk8!!?!!
Pating: turtle Ka

BUTI PA SIYA
Buti pa ang kalendaryo, may date
Buti pa ang Hersheys, may kisses
Buti pa ang probability,
may chance YUNG IBANG TAO, WALA.
Buti pa ang Paranaque, may BF
Buti pa ang farm, may chicks
Buti pa ang halaman, may nagaalaga
YUNG IBANG TAO, WALA.

Kwadrado Ang Mundo
Juan: Kuwadrado po, maam!
Titser: Hindi! Ang mundo ay bilog.
Juan: Pero maam, sabi ng lolo ko, narating na niya ang APAT na sulok ng mundo. May sulok po ba ang bilog?

Pinoy Joke 12

HONEYMOON
Wife: Hon wag mo ako bibiglain ha? I’m still a virgin
Husband: You mean ako ang una?
Wife: Yes, do it na
Husband: I did it na, kanina pa!!
Wife: ah ganon ba? Aray pala Wink

Areglo
Ama: Buntis anak ko, panagutan mo!
BF: May asawa na po ako!
Ama: Pano ‘to?
BF: Areglo na lang po… 2 M pag Boy, 2.5M pag Girl
Ama: Ok, pero pag nakunan. GIB HER ANADER CHANS ha?

Anniversary
Wife: Dear, ano regalo mo sa 25th Anniversary natin?
Husband: Dalhin kita sa Africa…
Wife: Wow! How sweet naman… eh! sa 50th Anniversary natin?
Husband: Susunduin na kita!

BUS HINOLDAP
Holdaper: re-reypin ko lahat ng babae dito!
Prosti: ako na lang po, maawa kayo sa iba..
Lola: Sinabi na ngang LAHAT eh! sasagot pa! gagang ‘to!

Probinsyano
Dalawang probinsyano sumakay sa elevator
Gorio: magkano ibabayad natin?
Andoy: tanga! inosente! bugok! stupid! bat ka magbabayad eh wala
pa tayong tiket!

Driver
Pedro: Pare bakit malungkot ka?
Juan: Asawa ko nag hire ng driver, Gwapo, Bata, Macho!
Pedro: Nagseselos ka?
Juan: Nagtataka lang ako kasi wala kaming sasakyan!

KoKongband
Anak: Itay, bibili ako ng bond paper
Itay: Anak, wag kang bobo ha? hindi “b o nd paper” ang tawag dun!
Anak: Ano po ba?
Itay: “Kokongband” Wink

Maliit na Bagay
Madre: Father, tell your seminarian not to urinate along the fence…
Father: Sister naman, maliit na bagay lang papansinin mo pa…
Madre: No Malalaki, Father.. Malalaki! Shocked

Balot
Alam mo ba kung bakit may sabaw ang balot?
Kung Ikaw kaya ang ikulong sa shell… saan ka ji-jingle?
Aber?
Saan??
Sumagot kaaaa!!!
SaaaAANNNNNNN ?!?!?! Angry

Baklang Magsasaka
Farmer: lalaki na talaga ang aking anak kasi magsasaka na, “ano ang plano
mong itanim sa sakahan mo anak?”
Anak: flowers papa! lots of Bongacious Flowers!! Big Smile

Cheerleader
Ama: Hoy! Huwag kang babakla bakla ha?
Anak: Hindi po Itay, pupunta nga ako ng basketbolan eh!
Ama: Yan! Astig!
Anak: Inay? nakita mo yung POMPOMS ko?
Ina: Alin? yung pink? Wink

Tunay na Anak
Misis: ” Sir, mananawagan po sana ako sa mister ko kasi dinala
Niya ang limang anak namin.”
Radio Host: ” Ok, go ahead!”
Misis: ” Honey, ibalik mo na ang mga bata, isa lang naman ang tunay mong
anak diyan!”

Libing
Juan: San ka galing?
Pedro: sementeryo, libing ng byenan ko.
Juan: E bakit puro kamot ang mukha at braso mo?
Pedro: Mahirap ilibing eh… Lumalaban!!

Thermometer
Two nurses on duty…
Nurse 1: Hoy! Gaga, bakit may thermometer sa tenga mo!
Nurse 2: Ha? susmaryosep! kaninong pwet ko kaya naiwan yung ballpen
ko!! Shocked

Jolibee
Hari: Ano gusto mong parusa? ipakain sa leon o pasukan ng bubuyog sa pwet?
Pedro: Mas gugustuhin ko pong pasukan ng bubuyog sa pwet.
Hari: Mga kawal! ilabas si Jolibee! Wink

Pasahe
Sa Isang Jeep...
Pasahero: Mama, Magkano Po Yung Pasahe?
Driver: 7.50 Yung Minimum
Pasahero: (Dumukot Ito Sa Bulsa Para Kunin Yung Pera Niya,
Ngunit sa Di Sinasadyang Dahilan Kulang Yung Pamasahe Niya.)
Patay, Kulang Yung Pera Ko.
Paano Kaya Ito? (Nag Isip Ito At Lumingon Sa Driver.
Napansin Niya Na Duling Ito. Sabi Niya Sa Kanyang Sarili,
Tama Duling Yung Driver Sigurado Pag Nagbigay Ako Ng 3.75 di Niya
Mapapansin Na Kulang Yung Pera Ko. Kasi Doble Yung Paningin Nito.
Inabot Niya Sa Driver Yung Pera.
Ngunit Laking Gulat Niya Nung May Sinabi Yung Driver Sa Kanya.
Driver: Kulang Ito!
Pasahero: Anong Kulang? Di Ba Sabi Mo 7.50 Yung Minimum?
Driver: Oo Nga 7.50 eh Dalawa Kaya Kayo.
Patay! Akala Mo Lusot Kana ha?

Pinoy Joke 11

Nahirapan Daw
CESAR: Pare, nahirapan ka ba questions sa exam?
DANILO: Hindi.
CESAR: Ang galing mo naman!
DANILO: Sa answers kasi ako nahirapan, pare!

What is Science
TEACHER: Our lesson for today is Science. What is Science?
JANINA: Ma’am! Ma’am! Ako, ma’am! Alam ko ang sagot!
TEACHER: Yes, Janina.
JANINA: Science is our lesson for today.

Maglalayas
MISIS: Lalayas na ako.
MISTER: Ha?! Bakit?!
MISIS: Bakit ako lalayas?
MISTER: Hindi! Ang ibig kong sabihin, bakit ngayon ka lang lalayas?!

Ang Pagsuyo
BOY: I love you.
GIRL: Shut up!
BOY: I want you.
GIRL: Shut up!
BOY: I miss you.
GIRL: Shut up!
BOY: Ang ganda mo…
GIRL: Really?
BOY: Shut up!

Bastos Makatingin
MELODY: Hoy! Bakit ganyan ka makatingin sa boobs ko?
ARMAN: Bakit, masama ba? Eh meron akong mata!
MELODY: Puwes, etong sa ‘yo! (sinampal si Arman)
ARMAN: Bakit mo ako sinampal?
MELODY: Masama ba? Eh meron akong kamay!

Pangarap Magka Jaguar
DIEGO: Alam mo, pare, pangarap ko ring magkaroon ng Jaguar tulad ng tatay ko.
ARNEL: May Jaguar ang tatay mo?
DIEGO: Wala. Pero pangarap din niya.

Mambobola
BINATA: Miss, may payong ka ba d’yan?
DALAGA: Bakit?
BINATA: Gamitin mo na!
DALAGA: Bakit nga?
BINATA: Inuulan ka kasi ng kagandahan!
DALAGA: Marami bang court sa inyo?
BINATA: Bakit naman?
DALAGA: Tamang bola ka kasi!

Malaking Buwan
NANAY: ano itong malaking zero sa test paper mo?
ANAK: di yan zero nay, naubusan lang ng star ang teacher namin kaya binigyan niya ako ng moon.
Moon lang yan nay, promise

Mga Baliw
3 baliw sa mental nagkwekwentuhan
B1: ako presidente dito!
B2: wala ka sakin, ako si presidente Bush, presidente ng America.
B1: sino nagsabi?
B2: ang Diyos.
B3: at kailan kita sinabihan?

Ang Tanda Mo Lolo
HOST: ilan taon na kayo lolo? mananawagan po ba kayo?
LOLO: opo, 105 na po.
HOST: wow, tanda niyo na pala, sige po manawagan na kayo.
LOLO: kuya, umuwi ka na. di na galit si daddy sayo.

Nawala Ang Pera
Tatay: Isa sa mga anak natin ang kumuha ng pera sa wallet ko!
Nanay: Sobra ka, bakit mo pinagbibintangan ang mga bata? Malay mo, ako ang kumuha!
Tatay: Sure akong hindi ikaw, may natira eh!

Mabubusog
ANAK: Busog na ‘ko
INAY: Ano ka ba?! Ubusin mo ‘yan! Hindi mo ba alam? Napakaraming nagugutom sa buong mundo?!
ANAK: O, tapos? Pag inubos ko ‘to, mabubusog sila, gano’n?

Translator
Bush visited the Philippines and Erap acted as his translator
Bush: “Lets help one another…”
Erap: “Tayo’y magtulungan…”
Bush: “…let’s strive together…”
Erap: “…tayo’y magsikap…”
Bush: “…because in union there is strength.”
Erap: “…dahil sa sibuyas may titigas!”

Planong Masama
GF: I’m warning you! darating na si daddy within 1 hour!
BF: Eh ano ngayon? eh wala naman tayong ginagawang masama ah!
GF: Kaya nga! kung may plano ka, DALIAN MO NA!! Wink

Naraped
Nun: I was raped… what shall i do?
Mother Superior: Hir, take this calamansi.
Nun: will this ease the pain?
Mother Superior: sipsipin mo! ng mawala ngiti sa mukha mo , Bwiset!!!

Pinoy Joke 10

Hinog na Santol
JUAN: Pedro, akyatin mo nga yung santol at pisilin mo kung hinog na!
PEDRO: (Umakyat) Hinog na!
JUAN: Sige bumaba ka na dyan at susungkitin na natin!

Bingi
Girl : uie mahal kita (shy)
Boy : (nka headset pla) ha ?anu yun ? may cnabi kaba ?
Girl : (BADTRIP) wala,sabi ko lumindol kahapon naramdaman mo ba?
bakit d kpa kya kinain ng lupa! (WALKOUT)
Boy : (SMILING) buti nalng lowbat ipod ko...."mahal din kita"

Ang Parachute
Sakay ng eroplano ang Kapitan at mga baguhang paratroopers -
KAPITAN - O Pedro lundag na.
PEDRO - Kapitan `wede po bang magtanong bago ako lumundag ?
KAPITAN - Bakeeet ?
PEDRO - Paano po kung hindi bumuka itong parachute ko?
KAPITAN - `Wag kang mag-alala bata, me usapan na kami ng Supplier. Kapag hindi bumuka... papalitan

Suspek
PULIS: Ano ang itsura ng suspek?
SAKSI: Naka-orange po siya at dilaw ang buhok.
ARTIST: (gumuhit) Bossing, hindi natin kayang hulihin ‘to…
PULIS: Bakit?
ARTIST: Dilaw raw ang buhok at naka-orange… Kung hindi si Naruto, si Son Goku ‘to

Textmate
Dennis: Dad, bakit ganon?
Mr. Sy: Bakit?
Dennis: Tinext ko yung asawa ko na padating na ako.
Mr. Sy: O, ano ngayon?
Dennis: Pag-uwi ko may kasama s’yang lalaki sa kama.
Mr. Sy: Baka hindi natanggap yung text mo.

Tarantado
Teacher: Robert, what do you call? (pointing to a deer in the zoo)
Robert: Ewan ko po, mam.
Teacher: What does your mom call your dad?
Robert: Tarantado ba tawag diyan mam?

Tagaload
RICO: Pwede bang magbalikan tayo?
PILITA: Shut up!
RICO: Luv pa rin kita! Hindi ka mawala sa isip ko!
PILITA: Move on na! Naka-move on na ako!
RICO: Load-an kita!
PILITA: Joke! Love pa rin kita!

Ang Ating Bayani
Jose Rizal: Amp! Bkit ako dadalin sa Dapitan?!
Bonifacio: Punitin ang putanginang sedula!
Lapu lapu: Tangina, naka - itak lang tau, pota!
Florante: Shit! Ang sarap mo, Laura! Ina mo ka!

Pilsopong Crew
Crew: Goodmorning sir ano pong order niyo?
Lalaki: 1 large burger chaka isang large softdrink.
Crew: Dito niyo po ba kakainin sir?
Lalaki: Uhm, pwedeng sa table na lang? Nakakahiya kase kung dito may nakapila pa sa likuran?
Crew: Sa table ho? Ayaw niyo po bang sa plato para di baboy tignan?

Pasado sa Exam
ANAK: Itay, ‘di ba, sabi mo, bibigyan mo ‘ko ng P500 kapag pumasa ako sa exams?
ITAY: Oo naman, anak! Gagastos ako para sa ‘yo para pumasa ka.
ANAK: Itay, good news po!
ITAY: Bakit, pasado ka?
ANAK: Hindi po. Hindi po kayo gagastos!

Pa-Kiss
BOYFRIEND: (nagmamaneho) Babe, pa-kiss naman, o!
GIRLFRIEND: Ano ka ba?! Nagda-drive ka! Gusto mo bang mabangga tayo? Ako na lang ang ki-kiss sa ‘yo.
BOYFRIEND: Sige, babe…
GIRLFRIEND: Okey… pikit ka muna!!!

Ugly Development
Everyday, the ugly undergoes five stages of grieving in front of the mirror.
Stage #1: DENIAL. “Maganda ka, girl!”
Stage #2: ANGER. “Shit! Sawang-sawa na ‘ko sa mukhang ‘to! Sumpain ka, Shrek!”
Stage #3: BARGAINING. “Lord, puwede bang i-reincarnate mo na ako? Pagandahin mo na ‘ko. Kahit ako na ang pinaka-poor, mapasaakin lang ang mukha ni Cleopatra.”
Stage #4: DEPRESSION. “Hay, nanay ko! Saan mo ba ako ipinaglihi? Hu! Hu! Hu! Hu!”
Stage #5: ACCEPTANCE. “Hay, naku! Love me for who I am!”

Noon at Ngayon
NOON: Babae lang ang nagpapaganda.
NGAYON: Ang mga bakla ay hindi na kailangang magpaganda.
NOON: Ang maton, puro lalaki.
NGAYON: Pati ang mga maton, babae.
NOON: Mahirap lang ang nakatsinelas.
NGAYON: Pati mayaman na. Ang mga mahihirap, nakayapak na.
NOON: Ang magtanim ay hindi biro.
NGAYON: Mahal na ang bigas, hindi na tayo makapagbiro.

Celebration
MISTER: Hon, sino ‘yang tinitingnan mo?
MISIS: Ex ko ‘yan, hon! I heard, lasenggo na siya after our break-up five years ago.
MISTER: Grabe! Ang tagal ng celebration niya!

Pinoy Joke 9

 Masamang Gawain
Anak: Nay,bilhan po ninyo ako ng baril, babarilin ko si tatay.
Nanay: Anak! Saan mo natutunan yan? Masama yan.
Anak: Huwag na lang po, espada na lang sasaksakin ko si kuya.
Nanay : Diyos ko anak ! Huwag mo nang uulitin yan . Masama yan at ayoko nang marinig yan . kung anu-ano pa ang sinabi mo diyan .
Anak : Sorry po nay. Manika na lang po.
Nanay: Good ! Yan ang dapat mong ipagbili sa akin.
Anak: Salihan niyo nalang po ng karayom .
Nanay : Bakit?...
Anak : Dahil kukulamin ko kayo.

Letter S
Anak : Tays! Kains na tayos!
Ama : Gago! Tigilan mo nga kakalagay ng “S” sa salita mo! Ano ba ang ulam natin?
Anak : Inigang na bangu at kamati . Hmmm.....arap ng abaw!

Magpapakamatay
Mr : Maraming problema . Magpapakamatay ako ! Pupunta ako sa kagubatan . Magpakain ako sa ahas!
Mrs : Bakit magdadala ka nang pagkain?
Mr : Baka matagalan akong kagatin ng ahas . Baka malipasan ako ng gutom !

Kuba at Kaibigan
Kuba: Inaapi nila ako sa aking pagka-kuba! Ngayon magsasanay ako ng karate! (Limang buwang nakaraan)
Kaibigan: Oh, tinatawag ka pa ba nila ng kuba?
Kuba: Wala na, Ninja Turtle na!

Translate in Tagalog
Teacher : Translate this. “Have by any twist of fate noticed a drop – dead gorgeous oozing with sex – appeal person passing by?”
Maria: Nakita mo bang AKOng dumaan ?hahahhaha

Natatae
(Isang bisaya pumunta sa Maynila)
Lalaki: Taxi! Para
Driver: Halika!
Lalaki: Manong, hinto po muna dudumi po muna ako!
Driver: Panaginip mo lang yan!

Panaginip
Lalaki: Sige napo manong dudumi lang po ako saglit lang po!
Driver: Panaginip mo lang yan!
Lalaki: Sige napo!
Driver: Sinasabing panaginip mo lang yan eh!!!
Lalaki: ahhh!!!! Ganon pala!!
Driver: mmmh!!! Ba’t ang baho? Parang taong dumudumi.
Lalaki: Manong, panaginip mo lang yan!!!

Magkaibigan
Kaibigan 1: Pare, may problema ako sa aming pamilya.
Kaibigan 2: Anong problema mo?
Kaibigan 1: Nag-away kasi ang aking mga magulang. Binasa ng aking ama ang marriage contract nila.
Kaibigan 2: Anong binasa ng iyong ama sa marriage contract?
Kaibigan 1: Hinahanap kasi ng aking ama ang Expiration Date ng kasal nila...

Bath Tub
Dalawang tanod ang naglalakad nang makasalubong nila ang isang pari na may benda ang kamay.
Tanod 1: Padre, anong nangyari sa kamay mo?
Pari: Nadulas kasi ako sa bath tub, nadiin ko ito kaya napilay.
Tanod 1: Bath Tub? Ano yon?
Tanod 2: Malay ko ba. Alam mo namang hindi ako nagsisimba.

Tagalog
Maestra: Class, our lesson for today is Tagalog. Juan, use “ng” in a sentence. Gamitin ang salitang “ng” sa wastong pangungusap.
Juan: Maayong gabii, Nang!

Tatlong taong nanonood ng palaro
American 1: Oh, the number 4 is so slow.
American 2: Yes,my idol is so fast !!!
Visaya: Unsay sopas , nagtan-aw ra ganita ug lumbag dagan.

Maruming Kama
Nanay : Nak ! Ayusin ma ang kama mo !
Anak : Ayoko . Magugulo lang ulit , kaya bakit ko pa aayusin ? Para lang yang nagmahal ako at nasaktan uli
Nanay: Char ! Nagdrama ang tapulan.

Tetelebabad
Guy: So , hindi ka na nagtetelebabad , texter kana ?
Girl : No , goodbye lang ako sa phonepal ko .
Guy : Why ?
Girl : Bad breath , eh

Eyecare Product
Gusto mo bang magkaroon ng eyecare product ? Kakaiba ito at murang- mura ! Piso lang isa .
Eye roll – on ang tawag sa kanya.

Call My Bf
Girl 1 : I call my BF , HONEY , mahilig siya sa matamis !
Girl 2 : I call my BF , BOTE .
Girl 1 : Mahilig uminom ?
Girl 2 : Nope , parang bote , may leeg pero walang utak .

Bumubukas Ang Ilaw
Lasing ( takot ) : May multo sa banyo natin !
Wife : Ha ? Bakit ?
Lasing : Kasi bumubukas iyong ilaw ‘pag papasok ako ng banyo.
Wife : Aha ! Ikaw pala umiihi sa ref

Sweetheart
Lalake 1: Masyado kang mahilig sa mga sweets. Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sa heart mo pag lagi kang kumakain nyan!
Lalake 2: Oo.
Lalake 1: Aber!?!
Lalake 2: Magkakaroon ako ng “Sweetheart”!

Wednesday, May 30, 2012

Pinoy Joke 8


                                  Ipis
Inday : ma’am , nang naka alis na kayo kanina nakalunok ho ! ng ipis si baby ....
Amo : hah ?
Inday ; pero huwag na kayong mag alala ma’am pina –inom ko na po ng BAYGON.

                                Natutunan sa Skul
Nanay : anak ano ang natutunan mo sa skul ... ?
Anak : aaahh ... pwes , natutuhan ko na lahat ng itinuro mo ay MALI !!!
Nanay: tulad ng ano anak?
Anak: na anak mo ako

       Guardian Angel
Ama : anak , kunin mo nga ang walis sa kusina .
Anak : ayoko , natatakot ako
Ama ; wag kang matakot . kasama mo ang iyong GUARDIAN ANGEL !!!
Anak : pwes , ang GUARDIAN ANGEL na lang ang utusan mo !

                                Manyakis
Babae 1 : alam mo yung kapitbahay naming napaka manyakis .
Babae 2 : a talaga ! bukas na bukas din ipakilala mo ako ha !


                                Pagbigyan mo ako
Amo : day kung pagbibigyan mo ako at hindi ka magsosombong sa ate mo , tataasan ko suweldo mo.
Inday : hindi man ako maniwala sayo ,sir,kasi yun din ang sabi ni Ate sa driver natin.


                                Sayote
(Tumawag si Mister kay Misis humihingi ng tawad)
Mister:babe,patawarin mo na ako.
Misis: Alam mo bang umiiyak ako ngayon At galit na galit ako,kasi dahil SAYO ... SAYO ... SAYOTE lang ang ulam namin... hilaw pa.

                                Cute
Pedro: konti na lang daw ang cute sa Earth!!
Juan: alam mo ba kung sino sila?
Pedro: yung mga taing nagbabasa ng text gamit ang left hand.
Juan:(Nag tangkang ilipat ang celpone sa kaliwang kamay)
Pedro: Huwag mo na ilipat , alam ko nasa kanan yan



                                Gorilya
Isang araw naglalaro ang magsyota sa gubat  ng bigla  kinuha ng gorilya ang lalaki.
GF:(umiyak at sumigaw) kunin mo na rin ako.
Gorilya:(Sumagot ang gorilya) “ BAKIT ANAK RIN BA KITA “
                                Satisfied
Pasyente : Okey ba ang services sa ospital na ito ?
Doctor : Oo naman . sigurado yan .
Pasyente : Paano kung hindi ako satisfied ?
Doctor : ibabalik namin yong' sakit mo!

Kasabihan
Anong sabi ng kulangot sa sipon ? – manigas ka !
Anong sabi ng utot sa tae ? – pare , una na ‘ko .
Anong sabi ng tae sa kapwa tae ? – mga tsong , dahan – dahan lang wala namang tulakan.

                                Usapan
(Nag-uusap ang mataba at payat)
Payat : Bakit ang taba mo ?
Mataba : Siyempre para pag wala na tayo makain , kayo mamamatay na , kami papapayat lang

                                Ito’y
Guro : Gamitin ang salitang ITO’Y sa pangungusap.
Pedro : sa aking harapan  ITO’Y kalabaw .
Juan: sino?
Pedro:ikaw!!
Guro : Very good  Pedro.